Chapter 27 *That Girl- Hanna Del Ferrer*

41 1 0
                                    

Chapter 27




(Bernard' PoV)

The probability of having someone looking exactly like someone else is about one in 1 trillion!
So mas maliit pa sa butil ng mustasa ang chances of finding an exact look-alike!




So there's a possibility na si Laerie nga itong nasa stage?? Kutob ko habang hindi inaalis ang titig sa babaeng tinawag na Hanna Del Ferrer.




Nang maramdaman kong humakbang paabante si Argus ay agad ko siya pinigilan.
"Not here and not now " bulong ko sa kanya.




Takte! Seryoso ba siyang kokomprontahin niya sa stage si Hanna Del Ferrer?! Kapag nagkataon pati ako madadamay sa eskandalong gagawin niya eh. Dito pa talaga men!!!




He gave me a death glare.
Pusang gala! Oo! Alam ko naman na matagal na niyang pinaghahanap si Laerie, pero ang daming tao dito! Media, reporters!!



Gamit ang mata, ay isinenyas ko sa kanya kung gaano kadami ang mga tao sa paligid "this is not the right time Argus" pigil hiningang sabi ko. . please lang! Kahit ngayon lang sumunod ka naman sa akin.



Nakipagsukatan pa siya ng titig sa akin..



Huwag nyang sabihing ipipilit niya talaga ang gusto niya? Lalayasan ko talaga siya dito!. Aba!! ayoko ngang maheadline  ang gwapo kong mukha para lang sa gulong gagawin niya!!



Pero pagkatapos ng ilang segundo ay hinawi niya ang kamay ko  at bumalik nalang siya sa kaninang kinatatayuan niya



Whooo!!

Ang sarap sa feelings na mapasunod ang isang Argus Montemayor! Buwahahaha




Parehas naming binalik ang focus namin kay Hanna Del ferrer.
She's wearing a backless pure white evening gown designed to showcase her sexy curves. Napaka elegante niyang tingnan. At sobrang ganda niya men! Though she has Laerie's look alike, I admit, she's more beautiful and has sophisticated appearance!



Yumakap siya sa braso ni Sam at nagtinginan ang mga ito na parang sila lang ang nagkakaintindihan.
Men! Even the smiles of Hanna Del Ferrer, parehas na parehas kay Laerie!!



Sabay na lumapit sa podium si Hanna at Sam na parang ayaw nang pakawalan ang isa't isa. At panay pa ang bulungan.. Ganun sila kaclose?



Takte!

So she must be the real  Honey?



Napapailing nalang ako sa isiping dalawang Del Ferrer ang pinagsasabay ni Sam! Iba rin!!!




Napasecond looked pa ako nang makita kung gaano kabilis ang pagtulo ng dugo sa kanang palad ni Argus.
Inabutan ko agad siya nang nakita kong tissue sa table
"Clean your hand couz, you probably didn't want to get attention just because of that."




Amfufu!! Manhid ba siya? Todo kuyom pa siya sa kamao niyang may mga bubog. Aishhh!!!




Hindi pa nga kami sigurado kung si Laerie nga talaga yan pero nakukuha na agad niyang mag selos sa mga nakikita niya? Eh paano pa kaya kapag sinabi kong girlfriend  pa yan ni Sam? Edi naghumerentando na siya dito???



Kinuha naman niya ang tissue at walang pasintabing ipunas sa buong kamay. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapalunok, parang ang sakit-sakit ng paraan ng pagpunas niya sa mga sugat niya.



Ms.Anonymous WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon