CHAPTER 14 *One Step ahead*
-One week later-
(Bernard' PoV)
Cellphone day ba ngayon? Ilang araw na silang ganito ah.
Inobserbahan ng mapupungay kong mga mata ang mga kasama kong kinapos ng kaunting kagwapuhan dito sa coffee shop.
Lahat sila busy sa pagtetext na maging ang mga sinerved sa kanila ng crew ay hindi nila pinapansin.
Ang weird!
Sinipat ko ang cellphone ko, bakit ganoon? Wala man lang na text sa akin? Di hamak naman na mas gwapo ako sa mga ito ah!. Ang weird talaga!. Very very weird!
Unang napadako ang paningin ko kay Lee na ngiting-ngiti habang nagtatype sa cellphone, na hindi ko maalala kung paano at bakit namin kasama ngayon, samantalang hindi naman namin ito katulad ng class schedule, but nevermind it!
Si Vann naka smile habang panay type din sa cellphone. Minsan bigla-bigla itong tumatawa ng malakas. Napapatakip nalang tuloy ako ng mukha kapag may napapalingon sa amin dahil sa tawa nito.
Si Argus poker face habang may kunwaring kinakalikot sa cellphone,.
Tsc! halata namang may katext din sa cellphone.Dinukwang ko ang katabi kong si James na busy rin sa cellphone " psh! Kala ko pa naman may katext ka rin!" Disappointed kong sabi sabay hagis pabalik sa kanya ng phone. Nanunuod lang sa youtube ng Power Ranger! Seriously?
*ting*
"Yown!" Hiyaw ko nang tumunog din sa wakas ang cellphone ko.
Kitams! May nakaalala din? Gwapo ko talaga!!!
(Opening text messages)
From: Unknown number
Kmusta n kayo diyan? E2 na new roaming number q, mag ppdala aq ng package nxt week. Paki loadan mo muna aq ng 500 d2 sa number q, wlang maloadan d2.
Miss u oll. Txtbck!Siraulo 'to ah!
Dinelete ko agad ang scam message!
Sabay kaming apat na napatingin kay Lee nang tumawa na ito ng malakas habang nakatutok parin sa cellphone.
Hmm.. sino ba katext nito? Naku-curious na talaga ako ah.. kung si Argus at Vann, I bet si Laerie ang katext ng mga ito.
Pero itong isa?
sino?
" Hoy Lee, sino ba yang katext mo ah?"
"hahaha remember the girl in the picture kuya Bernard?" he said while still wearing a smile
Pff "girl in the picture?"
ang korni din nitong pinsan ko na hindi manlang namana ang kagwapuhan ko, why he don't want to drop her name? kilala naman naming kung sino yun.
Ito talagang si Lee minsan hindi halatang kapatid ni Argus eh.
(Flashback)
(Coffee shop)
Binaba ko ang menu na hawak ko "order na ako ah" I said to Argus
"Nah no need! "
aba ang bait nito ngayon ah, nakaorder na pala siya. How thoughtful "favorite ko ba yang naorder mo?"
BINABASA MO ANG
Ms.Anonymous Writer
Любовные романыHighest Rank achieved: #1 in funny moments category 07/2022 "Ms. Anonymous writer " that's Laerie's code name everytime na binibigyan niya ng love letter ang so-deadly-snobbish na si Argus Montemayor. PRESENTING. . . . It's a Comedy-Romance story...