Chapter 19
Excited akong bumaba ng sasakyan nang huminto na ito sa coffee shop na malapit sa school namin at ngiting-ngiting tumingala sa magandang kalangitan.
Ito na yata ang pinakamagandang sunday na nakita ko!
"Ma'am Laerie , yung bag ninyo"
abot sa akin ni Manong Bert matapos nitong bumaba.
Pinahatid din kasi ako ni Cess sa driver nila matapos nila akong imake-over ni A.jMas excited pa silang dalawa nang malaman na napapayag ko si Argus ngayong sunday!
"Salamat po manong Bert."
ngiting-ngiting kinuha ko yung handy bag ko na may lamang DSLR camera na pinahiram pa ni Cess
"Mukhang may date kayo dito ah"
ngumiti sa akin si Manong Bert
nakita ko tuloy ang magkakagalit niyang mga ngipin sa isa't isa.Huhu, itetxt ko nga mamaya si Cess na bilhan na ng pustiso si manong!
Tumingin ako sa pader na salamin ng coffee shop kung maaninag ko ba si Argus
At nakita ko nga siya na nakapwesto malapit sa bintana. Mukhang inaabangan ang pagdating ko dahil nakatanaw na ito sa akin
Kinawayan ko siya at kumaway din sa kanya si Manong Bert ---Huh?
Takang nilingon ko si manong, magfriends ba sila?
"Si sir pala ulit ang kasama nyo ah!" Pagkatapos kumaway ay sumaludo pa ito kay Argus "sige ma'am balik na ako" at pinaandar na nito ang sasakyan
Nagtatakang pumasok ako ng coffee shop para lapitan si Argus
"Magkakilala kayo ni manong Bert?"
bungad ko agad kay Argus. .Pero napangiti nalang ako nang makitang pinagmamasdan nito ang kabuoan ko sa halip na sagutin ang tanong ko
Aiyeee, pinahiram pa ako ni Cess ng color blush na above the knee silk maxi dress na pa-ribbon strap. At binagayan naman ito ng color cream na one strap buckle stilleto heel na 2 inches!
At di lang yan! There's more!
Naka curl pa ang hair ko!
Hehe First date ko ata 'to!Panigurado ngayon narerealize na nyang may ibubuga din pagdating sa fashion ang gand--"where the hell do you think you're going?" Takhang tanong nito na pataas-pababa ang tingin niya sa akin
Tiningnan ko ang suot ko. May mali paba sa ayos ko? Pinaghandaan pa naman namin ito nila Cess at Aj
"Diba bibili lang tayo ng materyales ng mga props?" Naka smirk nitong dagdag
*pout*
Naka white plain t-shirt lang kasi si Argus at 3/4 capri pants at leather na loafers. Kaya kitang kita maging ang kakisigan ng mga binti nito.
Huhu pati yung binti, napaka perfect ng hubog para sa isang mala-Adan na katawan
Nangingibabaw padin ang kagwapuhan kahit na simple lang ang suot!
Syempre may iba pa akong balak!
Umupo muna ako sa harap ng table ni Argus.
Bakit siya may inaalmusal na? Tapos ako di niya man lang inorderan?
Nakita ko kasi na may order na'tong makakain at maiinom -_-Sumenyas ako sa staff para ibigay ang order ko. Kinapa ko pa sa hawak kong bag ang credit card na bigay ni Demi.
Lintek lang ang walang ganti! Ubos ka ngayon!
BINABASA MO ANG
Ms.Anonymous Writer
Любовные романыHighest Rank achieved: #1 in funny moments category 07/2022 "Ms. Anonymous writer " that's Laerie's code name everytime na binibigyan niya ng love letter ang so-deadly-snobbish na si Argus Montemayor. PRESENTING. . . . It's a Comedy-Romance story...