ㅡ
"PAGKALITO"
Nasa isang sulok ng aking kwarto,
Nag-iisip at nalilito,
Nakakabaliw sa ulo,
Ni isang sagotㅡwala ako.Bakit nalilito pa ako?
Sa dalawang lalaking dumating sa buhay ko,
Alam ko naman kong sino ang aking gustoㅡ
Alam nga ba ng puso ko?Dumating sa hindi inaasahan,
Pareho sila noon na sugatan,
Pareho rin silang mga iniwan,
Kaya't sila pareho ay aking naging kaibigan.Ang pagkakaiba nga lang,
Hindi sila dumating ng sabay,
May mas nauna sa dalawa,
At ang nauna ay aking naging kasintahan na.Alam kong mali sa paningin ng iba,
Pero wala na ba talaga akong karapatang mahulog sa iba?
Nalilito ako at naguguluhan na,
Kong sino nga ba sa kanila.Ayaw kong makasakit,
Sarili ay pinipilit,
Na h'wag haluan ng pait,
Ang pag-ibig na kay tamis.Paano na nga ba?
Mahal ko ang isa,
Pero hindi ako sigurado sa nararamdaman ko sa pangalawa,
Maaaring sa kaniya ako'y nahuhulog na.Laging pinapaalala,
Sarili ay bawal mahulog sa iba,
Sapagkat ako ngayon ay may iniingatan ng isa,
Desisyon ko sana ay maging tama.ㅡ
BINABASA MO ANG
MGA TULANG AKING LIKHA (Filipino)
PoetryIsang makatang magsusulat ng tula, para sa mambabasa ay ilathala, aking nararamdaman ipapakita sa mga tulang aking magagawa. Maaaring ito'y imahinasyon ko lamang, pero baka sayo ay katotohanan, iyong masasaksihanㅡ ang aking mga nararamdaman. ㅡ...