Unang Tula

1.4K 13 3
                                    


"KALUNGKUTAN"

Ako ngayon ay binibisita ng lungkot
Mukha ko ngayon ay lukot  
Sa kakaiyak ko dahil ako'y malungkot.

Iniwan ng kaibigan
Na sa aki'y naging sandalan
Sa mga oras na ako'y nasasaktan.

Siya ay umalis
Sa kadahilanang iyon ang kanyang ninanais
Kaya walang nagawa't siya nga ay umalis.

Ako ngayon ay mag-isa
Pumapatak ang mga luha sa aking mga mata
Hanggang kailan kaya magdurusa.

Wala na akong gana
Ako sana ay lilisan na
At hindi na muling magpapakita.

Paalam na!
Ako ngayon ay magpapahinga
At hindi niyo na muling makikita.

MGA TULANG AKING LIKHA (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon