Ika-Dalawampu't Anim na Tula

255 3 0
                                    


"LANGIT"

Nakatingala sa langit
Nag-iisip, kong bakit
Bakit sa pagpikit
Nakikita, ngiti mong kay tamis.

Hindi ko maiwasang
Isipin at manghinayang
Sa mga panahong
Tayo pa ay nagmamahalan.

Gusto kitang kausapin
Malabo, ayaw kong gawin
Ayaw kong makaabala
Alam ko naman kaseng masaya ka na.

Maraming mga katanongan
Gustong-gusto kong malinawan
Minahal nga ba, ni minsan?
Baka naman e, napilitan ka lang?

Mananatiling tahimik
Walang imik, at
Nakatingala sa langit
Habang ika'y iniisip.

MGA TULANG AKING LIKHA (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon