ㅡ"SELOS"
Isang pakiramdam,
Na ngayon ay aking nararamdaman
Hindi ko alam,
Kong ano ang dahilan.Ang daming pumapasok sa aking isipan,
Na baka ako ay iyong masaktan
Na baka puso ko ay masugatanㅡ
Pangako ay malimot ng tuluyan.Ayaw ko na ng ganito!
Ayaw kong mag-isip ng kong anu-ano,
Ayaw kong tuluyan ng masira ang ulo ko,
Kakaisip kong mahal mo pa ba ako?Minsan na akong nasaktan,
Ng dahil sa munting pagtatalo lang,
Ngunit itong aking nararamdaman,
Ayaw ko ng magtagal.Pilit kang iintindihin,
Mga paliwanag mo ay aking uunawain
Dahil gusto ko itong ayusinㅡ
Kaysa sa tapusin.Nawa'y ako ay iyong kausapin,
H'wag ka sanang magsinungaling
Dahil ikaw ay aking iintindihin
Kahit maging masakit sa aking damdamin.H'wag mo ng hintayin
Na baka ito ay aking tapusin,
Dahil lang sa selos na
Ipinaramdam mo sa' kin.ㅡ
BINABASA MO ANG
MGA TULANG AKING LIKHA (Filipino)
PoesiaIsang makatang magsusulat ng tula, para sa mambabasa ay ilathala, aking nararamdaman ipapakita sa mga tulang aking magagawa. Maaaring ito'y imahinasyon ko lamang, pero baka sayo ay katotohanan, iyong masasaksihanㅡ ang aking mga nararamdaman. ㅡ...