ㅡ
Hindi ako ang tipo mo
Hindi ako ang matitipohan mo; at
Lalong hindi ako ang magugustuhan mo.Alam ko na naman 'yon;
Alam ko na siya ang gusto mo at hindi ako,
Alam kong siya talaga ang Makapagpapasaya sa'yo at hindi ako.At ako?
Sino nga ba naman ako para sa'yo?
Ako lang naman 'tong tanga na palaging Hinahanap ang presensiya mo.Ako lang naman 'tong nagbubulag-bulagan Ng dahil sa nararamdaman ko sa'yo,
Ako lang 'to! Hindi kami magkapareho
Kase ako ang hindi mo gusto, samantalang siya, siya lang naman ang gusto mo.Pero ako? Mas lamang ako
Kase sa tuwing may problema kayo,
Ako lang naman lagi ang tinatakbuhan mo.Sa tuwing sinasaktan ka niya
O umaalis siya,
Ako ang nandito para punan ang pagkukulang niya.Pero kapag bumalik na siya?
Hindi mo na naman ako makita,
Na para bang wala akong nagawa.Pinasaya naman kita ah?
Pero bakit siya pa rin?
Bakit ayaw mo pa rin sa'kin?Ginawa mo lang 'ata akong laruan,
Na kapag hindi mo na kailangan,
Itatapon mo na lang sa basurahan.Ako ang naging pampalipas oras mo
No'ng mga araw na nagkakalaboan kayo,
Na wala siya sa piling mo.Pero hindi mo man lang 'ata ako tinanong
Kong ayos lang ba sa'kin lahat ng 'yon,
Ang maging pampalipas oras mo lang ako ngayon.Ayaw ko na! Ayaw ko na ng ganito!
Walang usad at walang pagbabago
Aalis, babalik, tapos ako pa rin ang palaging talo.Hindi na! Hindi ko na kaya!
Suko na ako sa pagpapakatanga
Alam ko naman na sa simula pa lang, talo na.Na wala naman talaga akong pag-asa,
Kase nga ako'y pampalipas oras mo lang
At iiwan kapag siya na ay nandiyan.ㅡ

BINABASA MO ANG
MGA TULANG AKING LIKHA (Filipino)
PoesiaIsang makatang magsusulat ng tula, para sa mambabasa ay ilathala, aking nararamdaman ipapakita sa mga tulang aking magagawa. Maaaring ito'y imahinasyon ko lamang, pero baka sayo ay katotohanan, iyong masasaksihanㅡ ang aking mga nararamdaman. ㅡ...