Ikaapat na Tula

1K 11 1
                                    



Mahal ko,
Ika'y gustong-gusto ko
Palaging hinihiling na ako rin ay iyong gusto.

Matagal ko ng tinatago 'to sa iyo,
Sa kadahilanang ika'y may iba ring gusto
At alam ko na hinding-hindi magiging ako.

Ako pa kaya'y magpapatuloy?
Sa mga pantasyang ikaw ang tinutukoy?
O ako na lang ay hihinto at hindi na ako tutuloy?

Sapagkat alam ko na ako lang din ang luhaan
Ako lamang ang masasaktan
Kapag ikaw pa ay aking ipinaglaban.

Ako ngayon ay hihinto
Sa kadahilanang ikaw ay isa lamang tao na nasa libro
At hindi kailan man magiging totoong tao.

Ako'y isa lamang taga-basa
Sa estoryang pag-ibig ninyong dalawa
Sana'y maging kayo ngang talaga.

Ako ngayon ay mamamaalam na
At ititigil na ang kaka-pantasya
Hindi na kita gagambalain pa.

MGA TULANG AKING LIKHA (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon