ㅡ
Ako 'yong klase ng tao na
Papasayahin at dadamayan ka
Sa lahat ng iyong problema.'Yong tipo ng tao na
Dadaldalin at kakantahan ka
Para ikaw lang ay mapangiti at sumaya.Pero kapag ako ay nagbago
Magiging iba na ako sa mga tao
Kahit kaibigan ko pa ito.Kapag ako na ang nagbago
Malalaho na lang ako bigla sa paningin mo
At hindi na makikipaghalubilo sa mga tao.At kapag ako ay nagbago
Aalis ako sa mundong ito
Nang walang ginagambalang tao.Kaya mararamdaman mo kapag ako na ang nagbago,
Sapagkat wala na akong magiging pakialam sa mundo
Lalo na sa mga taong nasa paligid ko.ㅡ
![](https://img.wattpad.com/cover/241520077-288-k911352.jpg)
BINABASA MO ANG
MGA TULANG AKING LIKHA (Filipino)
PoetryIsang makatang magsusulat ng tula, para sa mambabasa ay ilathala, aking nararamdaman ipapakita sa mga tulang aking magagawa. Maaaring ito'y imahinasyon ko lamang, pero baka sayo ay katotohanan, iyong masasaksihanㅡ ang aking mga nararamdaman. ㅡ...