Ika-labin-Limang Tula

440 7 0
                                    


"PAGMAMAHAL"
(hindi na 'to mapanaket:)

Ako'y may minamahal
Isang lalaking malayo sa aming lugar
At hindi ko pa kailan man nasilayan.

Laging ipinagdarasal
Na sana'y huwag niya akong iwan
At hintayin ang pagkikitang inaasam.

Mahal ko siya, mahal niya ako
'Yan palagi ang sinasabi ng isip ko
At nararamdaman ng puso.

Sa kanya lang naging sigurado
Kahit na noong una ay hindi ako naging interesado
Hindi kase kami magkaparehas ng gusto.

Ako'y isang babaeng seryoso,
Samantalang siya ay
Isang lalaking palabiro.

Nang dahil sa kanya
Ako'y sumaya, at
Nagkaroon ng sigla.

Hindi ko inaasahan
Ang kanyang pagdating ng panandalian
Natakot ako na baka muli na namang masaktan.

Pinaramdam, ang kasiguraduhan
Pinaramdam, ang pagmamahal
Pinaramdam niya, ang aking kahalagahan.

Sa kanya lang naramdaman
Ang pagmamahal,
Na noon ko pa inaasam.

MGA TULANG AKING LIKHA (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon