Ikaanim na Tula

781 6 0
                                    



Umibig sa isang lalake
Ni hindi nga nakita kong ito nga ba ay lalake,
Sa aki'y nagpaibig at ako'y nabighani.

Palaging sinusuportahan
Sa mga bagong sulat niya ako'y nakaabang
At hindi mawari kong tama pa ba ang nararamdaman.

Umiibig sa isang manunulat
Na kay ganda nga naman talagang sumulat
Ako ay kaniyang napaiyak.

Hindi kailan man magkakaroon ng 'kami'
Sapagkat siya ay hindi isang simple,
Isang hindi ordinaryong lalake.

Isa lamang akong taga-hanga
At kailan man ay hindi niya ako aalayan ng tula,
Tulad ng aking ginawa.

Isang manunulat
Na talaga namang sikat,
Maski ako ay palaging napapalakpak.

Ititigil na ang paghangang nararamdaman
Sapagkat sa aki'y wala siyang nararamdaman
Ako lamang din ang masasaktan.

MGA TULANG AKING LIKHA (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon