Ikapitong Tula

700 6 0
                                    




Ako'y pagod na, pagod na pagod na
Hindi ko na kaya, ako ay pasuko na
At gusto ng lumisan.

Sa labang walang kasiguraduhan,
Sa labang alam kong ako lamang ang masasaktan,
Sa laban na alam kong ako lamang ang uuwing luhaan.

Hindi ko na kaya! Ako ay susuko na!
Tila isang sundalong nasa gyera,
Na walang dalang armas para promotekta.

Tila isang batang walang alam,
Kon'di ang kumain lamang
At nag-aasam ng pagmamahal sa isang magulang.

Tatlompung taong lumaban
Tatlompung taong nasaktan
At tatlompung taong nag-aasam.

Nag-aasam na maging paborito man lang,
Nag-aasam na mahalin kahit sandali lang
Malaanan ng oras at maalagaan.

Ako'y umasa at nagpakatanga!
Sa taong aking hinihiling na matamasa,
Ang pagmamahal at pag-aaruga.

Mama, Papa
Ako'y inyong pinaasa
Akala ko tayo ay magiging pamilya.

Pamilyang sana ay masaya
Pamilyang sana ay naging maganda
Pamilyang nais kong makamit at matamasa.

Ngunit ako ay nabigo,
Sa mundong ito pa rin ako nakatayo
Hindi man lamang nakaramdam ng dapo.

Dapo ng isang nag-aalalang ina
O ang pagmamahal ng isang ama,
Hindi man lang makuha-kuha.



MGA TULANG AKING LIKHA (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon