Ika-Dalawampu't Dalawang Tula

372 3 0
                                    



"SELOS"

Nakita kita no'ng nakaraan
Kasama ang iyong kaibigan
Na babae ang pinag-uusapan,
Hindi ko alam pero
Kirot sa dibdib ay aking naramdaman
Selos pala, umatake na naman.

Nakita kitang may kasamang iba
Alam kong kaibigan mo lang naman siya
Pero may kong anong kirot ng makita kong
Sa kaniya ikaw ay masaya,
Ang babaw ko lang pero
Aking napagtanto, nagseselos na pala ako.

Isang araw, ikaw ay nagpaalam
Aalis kasama ang mga kaibigan
May kong ano akong naramdaman
Na baka ikaw ay nagsisinungaling lang
Ikaw ay sinundan,
Nakitang may kasamang babae at mga kaibigan
Dahil do'n, selos ay aking naramdaman.

Ang babaw ng aking mga dahilan
Away lagi ang pinatutunguhan
Sa selos ko, muntik mo na akong iwan
Kaya aking sinubukan,
Selos ay pigilan
Kahit minsan ko pa rin itong nararamdaman.

Ang gusto ko lang naman
Ay makasigurong akin ka lang
Ikaw lang ang nandiyan
Kaya ayaw kong ako'y iyong iwan
Marami akong pinagseselosan
Pero mas magandang, manahimik na lang.

Ayokong ikaw ay masakal
At ako'y iyong iwan
Ikaw ay aking mahal,
Kaya sana'y maintindihan
Pasensiya kana sa mga ka-praningan
Akin ka na ngayong pinagkakatiwalaan.

Gusto ko na tayo ay magtagal
Kaya lahat ng gusto mo, mahal
Aking inaalam
Lahat ng mga ayaw mo, mahal
Aking iniiwasan
Para lang hindi mo ako iwan.

Selos lagi ang nagiging dahilan
Pag-aalitan at hindi pagkakaunawaan
Dapat sarili ay limitahan
Karelasyon ay pagkatiwalaan
Para mas humaba ang pagsasamahan
At away ay maiwasan.

MGA TULANG AKING LIKHA (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon