ㅡ
"PAG-AARAL O JOWA"
Karamihan sa mga kabataan
Ay pinipiling unahin ang pag-aaral
Kaysa sa sarili nilang kaligayahan.May iba namang kabataan
Na napapabayaan ang pag-aaral
Kapag inuna nila ang kanilang sariling kasiyahan.Naniniwala ang mga matatanda
Na ang pag-jo-jowa ay isa
Lamang hadlang tungo sa magandang kinabukasan.Paano kapag ika'y pinapili?
Pag-aaral din ba ang iyong gustong mapili?
O baka 'yong kasiyahan mo na tingin ng ibang tao ay mali?Sabi ng ating magulang
Unahin ang pag-aaral
At jowa ay ating iwasan.Sabi naman ng ibang kabataan
Nakakatamad daw ang mag-aral
Kapag wala kang inspirasyon na nakukunan.May jowa ka man o wala
Hindi 'yon hadlang para
Hindi mo makamit ang magandang kinabukasan.May jowa ka man o wala
Ang iyong pag-aaral
Ay hindi mo dapat talikuran.Ang pag-jo-jowa ay hindi kailan man
Magiging hadlang
Sa mga pangarap mo, na inilaan ng maykapal.Nasa sa iyo ang desisyon
Kong pagbubutihan mo ba
At isawalang bahala ang sinasabi ng iba.O kaya naman ay magpapatukso sa kanila
Pag-aaral ay isawalang bahala
At ituon ang atensyon sa jowa.Kahit ano man ang iyong piliin
Laging pakaka-tandaan; hindi kailan man
Magiging mali ang desisyong sumaya.ㅡ
BINABASA MO ANG
MGA TULANG AKING LIKHA (Filipino)
PoetryIsang makatang magsusulat ng tula, para sa mambabasa ay ilathala, aking nararamdaman ipapakita sa mga tulang aking magagawa. Maaaring ito'y imahinasyon ko lamang, pero baka sayo ay katotohanan, iyong masasaksihanㅡ ang aking mga nararamdaman. ㅡ...