ㅡ
"Tamang Tao"
Karamihan sa mga tao,
Naghahanap ng isang tao
Na bubuo sa kanilang pagkatao.Mga taong naniniwala sa tadhana
Hindi nawawalan ng pag-asa
Na makita ang taong tama.Meron nga bang tamang tao?
Meron nga bang taong nakalaan para sa'yo,
At mamahalin ka ng buo?Ako mismo,
Hindi ako naniniwala sa tamang tao
Pero naniniwala akong may magmamahal sa'kin ng buo.Minsan na rin akong nasaktan
Nadurog ng tuluyan,
Nalugmok sa kalungkutan.Pero hindi ko iyon pinagsisihan
Kase sumaya naman ako kahit panandalian
At pagmamahal ay aking naramdaman.Lahat sila ay tamang tao
Hindi nga lang siguro para sa'yo,
Dahil nakalaan sila sa ibang tao.'Yon dapat ang iyong isipin
Hindi 'yong sarili ay sisihin
At pagmamahal ay kuwestiyonin.Minahal ka niya,
Minahal mo rin siya
Patas lang kayong dalawa.Sadyang mapaglaro ang mundo
Nagpapaikot-ikot, tila nasisira ang iyong ulo
Pero ramdam kong parating na siya para sa'yo.Hintayin mo,
Ang tamang taoㅡkong matatawag ng ibang tao
At ang magmamahal sa'yo ng buong puso.H'wag matakot magmahal,
H'wag matakot masaktan
Parte lang 'yan ng kasiyahan.ㅡ
BINABASA MO ANG
MGA TULANG AKING LIKHA (Filipino)
PoesíaIsang makatang magsusulat ng tula, para sa mambabasa ay ilathala, aking nararamdaman ipapakita sa mga tulang aking magagawa. Maaaring ito'y imahinasyon ko lamang, pero baka sayo ay katotohanan, iyong masasaksihanㅡ ang aking mga nararamdaman. ㅡ...