Ikalabing-Isang Tula

477 5 0
                                    




Ika'y aking nasilayan
Na tinititigan ang buwan
Ang buwan na naging liwanag sa kalangitan
Sa tuwing sumisibol ang dilim sa kapaligiran.

Ako'y nabibighani
Sa iyong mga ngiti
Na nakikita ko sa iyong mga labi,
Pero sa likod nito ay ang mga pighati.

Alam kong ika'y malungkot
Tila ba binabangungot
Iyong mukha ay bigla na lang nalukot,
Sa tuwing maaalala ang mga alaalang kay lungkot.

Kasabay ng pagliwanag ng buwan
Ay siya ring kaniyang paglisan,
Paglisan na hindi mo nasilayan
Paglisan na tila walang naging dahilan.

Mga tanong na
Naghahanap ng sagot
Sa ilalim ng buwan tila ika'y nayayamot
Naghihintay na baka ito'y sumagot.

Ibubulong na lamang sa hangin
Sa buwan na lamang hihintayin,
Mga dahilan mo sana'y dumating
Iyon ang aking hihintayin.











MGA TULANG AKING LIKHA (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon