Ikalimang Tula

927 8 1
                                    




Hindi naniniwala sa mga estoryang nagtatapos sa masasaya,
Sapagkat ito'y pawang imahinasyon lamang
Hindi nagpapakita ng katotohanan
At ako'y umaasa lang naman.

Naniwala na ang mga estorya ay totoo
At may ganito sa ating mundo
Ngunit hindi pala 'yon totoo
Sapagkat walang gano'n sa mundong ito.

Walang masayang estorya,
Lahat sinusubok ni tadhana
Hindi kailan man magiging sila
Nang dahil lang sa mga matatamis na salita.

Kaya ako ngayon ay nagsusulat 
Ng mga estoryang malulungkot,
Sa karanasan ko mismo hinuhugot
Sapagkat labis na akong binabalot ng lungkot.

Ako'y hindi na kailan man maniniwala
Sa mga estoryang nagtatapos sa masasaya,
Ako na naman ay aasa
Na ito ay nangyayari ngang talaga.


          

MGA TULANG AKING LIKHA (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon