Ika-Dalawampu't Limang Tula

331 3 0
                                    


"PINAGPALA"

Isang magandang araw, ang sa akin ay naghihintay
Tila kahapon lang, puno ako ng lungkot at lumbay
Nawawalan na ng ganang mabuhay
Gusto ko na lang sanang mamatay.

Sa kabila ng problemang dinadala,
Sa bawat pagtapak sa lupa may kaba
Sa bawat patak ng luha sa mata
Mayroon pa rin palang pag-asa.

Naghihintay, nag-aabang 
Hinihintay kong kailan ka,
Magdedesisyong lumaban
At ang pag-asa ay maharap.

Hindi ka kailan man mag-iisa,
Kahit sa dami ng iyong problema
May Diyos kang kasangga
Sa kaniya, may pag-asa kang makikita.

Sa ano mang mga problemang pinapasan
Sa mga pagsubok na pinagdadaanan
H'wag mawalan ng pag-asa sapagkat,
Ikaw ay kaniyang ipagpapala kinabukasan.


MGA TULANG AKING LIKHA (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon