Ika-labing-Apat na Tula

420 4 0
                                    


"NAKARAAN"

Ako'y nagbago,
Mas kinilala ang mga tao
Nilakbay ang mundo.

Mula sa pagiging madaldal,
Naging tahimik na lang
At naging mahinhin.

Bakit ako nagbago?
Dahil ba hindi ako tanggap ng mga tao?
Dahil ba mas magiging masaya ako?

Paano ko,
Nagawang talikuran ang dating ako?
Ang nakaraan ko.

Nakaraan na kong saan naging masaya ako
Naging makabuluhan ang buhay ko
Puno ng pagmamahal ng mga tao.

Nagawa kong magbago,
Hindi para sa sarili ko
Kun'di sa ibang tao.

Matanggap nila ako,
Ituring na tao
Nabubuhay sa iisang mundo.

Mas mabuti na nga rin siguro
Na ako ay tuluyang magbago
At talikuran ang nakaraan ko.

Hindi ito ang aking gusto
Pero malay natin,
Maging maganda pala ang kahahantungan nito.

Nawa'y maging makabuluhan pa rin ang buhay ko
Matanggap na ng ibang tao: at
H'wag ko sanang pagsisihan ang desisyon ko.

Dating ako,
Paalam sa'yo!
Nagbago na ako.

Nakaraan ko,
Paalam sa'yo!
Nandito na ako, sa hinaharap ko.


MGA TULANG AKING LIKHA (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon