Ikawalong Tula

629 6 0
                                    




Ako ay naglakbay,
Sa lugar na matiwasay,
Agos ng tubig sa akin sumasabay.

Malayo sa gulo,
Malayo din sa mga tao
Mga puno at ibon lamang ang makikita dito.

Nakakakalma,
Tila walang problema,
Sa'yo ay walang gumagambala.

Nagpunta sa malayo,
Para problema ay maglaho
Kahit man lang isang minuto.

Problema ay may solusyon,
Mga tao palaging may suhistiyon,
Ngunit dala ko pa rin ito hanggang ngayon.

Bakit ako ganito?
Bakit pa ako naging tao?
Kong itinuturing lang din naman nila akong isang malegno?

Hindi ako ordinaryo,
Pero isa pa rin akong tao,
Parati lamang nilang tinitingnan ang mga kakulangan ko.

Minsan ko ng sinubukan,
Sarili ko ay saktan,
Para maglaho ako ng tuluyan.

Ngunit hindi ako nagtagumpay,
Ako pa rin ngayon ay buhay,
Mga ginawa ko ay sablay.

Natuto akong magtago at magpakalayo layo,
Dito sa lugar ako nagtutungo,
Upang hindi ako makita ng mga mapanghusgang tao.



MGA TULANG AKING LIKHA (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon