ㅡ
"PAGHILOM"
Sa kabila ng pagsubok na aking napagdaanan,
Mga sakit na tila ba araw-araw kong pasan
Pagkabigong aking naranasan
At bigat ng damdaming nararamdaman.Hanggang kailan ko ba dapat itong maramdaman?
Puro pait at sakit na lang lagi ang aking pasan,
Wala na ba itong katapusan?
Aantayin ko na lang ba na mundo ay malisan?Sa kabila ng maraming pagsubok
Nanatili akong matatag
Sa bawat dagok
Ay hindi ako nagpatinag.Kaya dumating ang araw,
Panibagong umaga ang nakita
Aking natatanaw
Ang umagang puno ng pag-asa.Muntik mang sumuko
Nagpatuloy pa rin at nanalig sa Diyos,
Ilang beses mang natapilok
Bumangon pa rin at hindi natiklop.Huwag mawawalan ng pag-asa
Dahil sa kahit gaano karaming problema
Isang araw, iyong makikita
Giginhawa ka na, at mararamdaman ang tunay na saya.Matuto kang magpakatatag
Sa bawat pagsubok ay huwag magpatinag
Sa bawat gabing dumaan
Mayroong panibagong umaga na iyong madadatnan kinabukasan.Kaya tiwala lang,
Makakaya mo 'yan
Hindi ka nag-iisa sa iyong laban
Sapagkat may Diyos kang masasandalan.ㅡ
BINABASA MO ANG
MGA TULANG AKING LIKHA (Filipino)
PoesiaIsang makatang magsusulat ng tula, para sa mambabasa ay ilathala, aking nararamdaman ipapakita sa mga tulang aking magagawa. Maaaring ito'y imahinasyon ko lamang, pero baka sayo ay katotohanan, iyong masasaksihanㅡ ang aking mga nararamdaman. ㅡ...