Ika-Dalawampu't Isang Tula

386 4 0
                                    



"HUSGADO"

Tayong mga tao,
Hindi laging alam ang totoo,
Ni hindi natin inaalam ng buo,
Ang estorya ng isang tao.

Nasanay na sa isang tingin lang,
Alam na natin lahat ang mga dahilanㅡ
Kong bakit niya sinapit ang ganyan,
Atin na agad siyang hinusgahan.

Nasanay na iisang panig ang pinapakinggan,
Tila hindi naging pantay ang laban
Kaya't nagkakaroon agad ng bangayanㅡ
Atin na agad siyang hinusgahan.

Nasanay na pakialaman ang buhay ng iba,
Mga magkalapit-bahay na chismosaㅡ
Hindi na magawang alalahanin ang sariling pamilya,
Nasanay ng manghusga ng iba.

Bawat estorya ay palaisipan,
Bawat tao ay may kanya-kanyang pinagdadaananㅡ
Problema man sa pamilya o pinansiyal,
Walang sino man ang may karapatang sila ay husgahan.

Bilog ang mundo,
Maraming mga tao,
Laging tandaan na ditoㅡ
Hindi ikaw ang husgado.

MGA TULANG AKING LIKHA (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon