Chapter 1

340 13 1
                                    


Isang buntong-hininga ang aking binitaw.

Pinipilit kong gisingin ang sarili sa bangungot na ito, pero hindi ko magawa. Totoo ang lahat, at patuloy pa ring nangyayari. Hindi ko na ma-imagine pa na gawin 'tong nakakaumay na routine sa mga susunod na taon.

Lecheng pandemya.

Kay raming mga bagay ang tumatakbo sa isip ko ngayon, sa puntong halos makalimutan ko nang birthday ko pala ngayon. 'Yon nga lang, kailangan ko pang mag-attend sa Physics class ko ngayong umaga at isa na namang klase sa hapon.

Ang ganda ng birthday gift ko.

Labag man sa kalooban ay pinilit kong bumangon. Sa sobrang antok ko, feeling ko tuloy, hinihila ako ng kama. Kapagod maging estudyante sa ganitong set-up.

Nasa kusina na si Mama, nagluluto ng agahan. Mula rito sa kwarto ay amoy na amoy ko na ang niluluto niya, pero 8:45 AM na. Kailangan ko nang maghanda sa klase ko.

Bago ko pa mahablot ang laptop ko, biglang nag-ring ang phone ko at isang pamilyar na pangalan ang nasagi ng paningin ko. Kaagad kong sinagot ang tawag.

"Happy birthday, beastie!" isang pagbati mula sa kabilang linya.

"Thank you," tugon ko. "Napatawag ka pa talaga, eh pwede ka namang mag-PM na lang."

"Naah, miss you na kasi. Super tagal na tayo 'di nagkita dahil sa COVID. I badly wanted to treat you, pero you know na," aniya, at rinig ko ang lungkot mula sa boses niya.

"Okay lang. 'Yong friendship natin, gift na rin 'yon. 'Di ba?"

"'Di, eto na lang. Wish ko for you, makita mo na 'yong 'the one' mo."

Loko-loko talaga 'tong si Shania. Hindi naman ako naghahanap—as of the moment.

"Eto, isa pa," pahabol niya. "Sana maka-move on ka na rin sa kanya."

Hindi ko maiwasang matawa sa pinaghihiling ng isang 'to. Move on, move on. Parang bang galing heartbreak ako. OA talaga nito. Rinig ko pa pagtili nito bago niya in-end 'yong call.

Sanaol, may 'the one' nga. Pero, kahit pa humiiling siyang magka-lovelife ang isang tulad ko, mukhang malabo na ring mangyayari 'yan dahil sa kay raming kong gustong gawin sa buhay.

At sa taong tinutukoy naman ni Shania sa last wish niya para sa akin, wala na akong feelings sa kanya no. LOL, 2 years na ang nakalipas. Hindi naman ako baliw na habol nang habol sa taong ayaw naman sa 'kin.

Pero kung iisipin, parang makokonsidera ko talagang naging baliw ako noon. Baliw lang sa tao, 'di 'yong type na may sayad na sa utak. 'Yong tipong todo effort ka para lang makuha 'yong pansin niya, tapos at the end, nagmukha ka lang tanga.

Kasi, 'di ka niya pala gusto.

'Di naman siya totally considered na heartbreak kung iisipin ng ibang tao, pero nasaktan ako. First time kong masaktan—nang todo-todo.

Kaya nga, gusto ko na lang magfocus sa studies. Cliche, pero wala akong ibang choice na gawin. Kung may itsura lang talaga ako, eh 'di ang dami ko talagang time mag-invest ng feelings sa natitipuhan ko. Kaso isang average na homo sapiens lang ako at hindi ko talaga alam kung anong nakaka-attract sa akin.

Kaya ko pa naman mag-antay. Mahaba pa ang pasensya ko at naniniwala akong pagbibigyan rin ni Lord ang mga hiling ko sa buhay balang araw, basta bago Niya ako kukunin no.

Fast forward. Lumipas ang birthday ko ngunit wala namang nangyari. Walang nagbago. Nadagdagan lang siguro ng isa pang taon ang buhay ko para ma-renew 'yong pag-eexistential crisis ko.

T.S. STORIES #1: You All Over Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon