Chapter 13

81 6 0
                                    


Isang linggo ang lumipas matapos ang cheerdance competition. Hindi man kapani-paniwala, pero section namin ang nanalo.

Isang linggo na rin ang lumipas simula no'ng nalaman ng iba ang sitwasyon sa pagitan nila Jared at Phoebe.

At heto pa, isang linggo ko na ring tinitiis ang nanlilisik na tingin ng mga kaibigan ni Phoebe sa akin. Pansin ko nga, bawat kilos ko ay binabantayan nila. Eh, sa totoo lang, wala naman akong ginagawang masama.

Pati ibang mga kaklase ko, iba rin tingin sa kin na parang alam rin nila 'yong alam ng mga kaibigan ni Phoebe.

Dapat nagsasaya kaming lahat dahil kami ang nanalo eh, kaso simula ng araw na iyon, tila nag-iba ang ihip ng hangin sa loob ng room.


***Flashback****


"Jessie?"

Hindi ko alam kung anong dapat irereact ko nang mahuli kami ni Phoebe— I mean, wala naman kaming ginawang malisyoso no! Etong si Jared kasi!

"Anong ibig sahihin nito?" tanong niya.

Ang kaba ko ay umabot hanggang langit dahil sa talim ng tingin ni Phoebe sa akin! Leche, mukhang madadamay pa ako sa away-magjowa!

"Sabihin mo, Jared. Si Jessie ba ang dahilan kung bakit ayaw mo na sa 'kin—" pagduduro niya sa akin.

"H-HALA! HINDI NO! EH NARINIG KO KASING NAG-USAP KAYO KANINA KAYA NAPATAGO AKO DO'N SA RAMP! TINATANONG NIYA AKO KUNG NARINIG KO BA LAHAT! 'DI KO SINASADYANG MARINIG LAHAT HUHU GUSTO KO LANG TALAGA MAGBIHIS KASI KANINA PA AKO BASANG-BASA SA PAWIS!" natataranta na pagpapaliwanag ko.

Nang lumingon ako kay Jared, kaagad ko siyang dinuro. "PAGSABIHAN MO 'TONG JOWA MO, TIGIL-TIGILAN NA NIYA PAGTTRIP NIYA SA 'KIN!"

Parang natauhan naman si Phoebe sa paliwanag ko. Leche, akala niya tuloy ako ang dahilan ng pag-aaway nila. Magbibihis lang naman ako, mga leche!

Umalis na ako at iniwang tahimik ang dalawa. Hindi ko na talaga kinaya 'yong basa ng shirt ko no! Parang naligo na ako sa sarili kong pawis mula kanina sa cheerdance hanggang sa kaba ko kina Phoebe at Jared!


***End of Flashback***


Hanggang ngayon, iniiwasan ko pa rin ang dalawa para makalayo sa isyu sa pagitan nila, lalo pa't magkaklase pa kaming tatlo, sali pa 'yong mga kaibigan ni Phoebe.

Anyway, ilang weeks na lang, magtatapos na kami sa Grade 10. Kailangan ko munang magkabait. Baka magkaaberya pa at maudlot ang pagpaso ko sa stage.

Bukod riyan, abala rin ako sa pagsusulat sa Diary ko para makabalik na ako sa present day. Sa kabila ng dami na ng nangyari, hindi ko pa rin kinalimutan ang misyon ko. 'Yon nga lang, hindi pa nagpapakita ulit sa akin si Manong. Eh, sa ang dami ko ng entry rito.

Atat na atat na akong makabalik. Lumalala lang ang lahat hangga't andito pa ako.

Pagkatapos ng klase, nagsimula nang maglinis ng room ang assigned cleaners sa araw na 'to. Kasama ako sa cleaners at naatasan akong maglinis ng mga bintana namin.

Nakita ko namang pumasok si Stephen at lumapit sa akin. "Jess, sama ka mamaya?" tanong niya.

"Oo. Buti na lang, pumayag si Mama," sagot ko.

Niyaya niya kasi ako kahapon na mag-sleepover sa kanila dahil wala raw siyang kasama sa bahay sa weekends. Pinayagan naman ako, kaya may dinala akong damit pangbihis mamaya. "Sino pala kasama natin?"

T.S. STORIES #1: You All Over Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon