Chapter 12

77 5 1
                                    


March 5. Today is the day.

Pagdating ko sa classroom, nadatnan ko ang lahat na abala na sa pagsasaulo sa cheerdance at sa susuotin namin mamaya. May nagma-make-up. May nagba-braid ng buhok. Nag-aayos sa sarili. Napa-praning. Naghahanda sa props.

Ako naman, dumiretso na sa banyo para magbihis. Paglabas ko ay nakita kong nakaharap sa salamin ang mga lalaki, at abala sa pag-aayos ng buhok nila.

"Oy, Jessie, ayusin mo naman buhok mo," sabi ng isa sa kanila sabay tapon ng dalawang sachet ng hair gel sa akin.

Hindi na ako umimik pa at bumalik ulit sa banyo. May isa pa namang salamin sa loob kaya hindi ko kailangang makipag-agawan sa labas. Nang pupunitin ko na sana 'yong dulo ng sachet, may na-realize ako.

Hindi nga pala ako sanay gumamit ng hair gel.

"Hoy, dalian mo 'jan! Magbabanyo pa ako!" sigaw ng nasa labas.

"Sandali lang!" sabi ko.

Leche. Paano ba 'to ilagay sa buhok? Parang shampoo lang 'to 'di ba? Kailangan pa ba 'to ng tubig? Gaano ba karami dapat—

Leche, 'wag na nga lang.

Lumabas na lang ako ng banyo, ngunit bumungad sa harap si Jared.

Naalala ko sa bigla 'yong pag-uusap namin kahapon sa gym. Ni hindi nga ako nakatulog nang maayos kagabi sa kakaisip no'n. Kainis.

Umiwas na lang ako ng tingin, pero nagulat ako nang itinulak niya ako pabalik sa banyo. Pumasok siya saka niya sinara ang pintuan. Rinig ko pa ang paglock ng doorknob, kaya kinabahan na ako.

Leche, nasa loob kami ng banyo at kami lang dalawa. Inatake ako kaagad ng kaba at bigla akong pinagpapawisan. Ayaw niya talaga akong tantanan.

Dapat na ba akong sumigaw at humingi ng tulong sa mga kaklase ko sa labas? Hindi ko alam, pero baka maglabas 'to ng patalim at plano akong patayin, huhu.

Gusto ko pang mabuhay.

Ilang segundo ang lumipas ay tahimik pa rin siya. Nakatingin lang ako sa pader habang pinagpapawisan na talaga ang mga kamay ko.

Humakbang pa siya palapit sa akin, kaya pinilit kong umatras kahit na nakasandal na ako sa lababo na nasa likuran ko.

Napapikit na lang ako dahil hindi ko na alam kung anong susunod niyang gagawin. Nakarinig pa ako ng malakas na pagkabog ng puso. Hindi ko alam kung akin ba 'yon o hindi. Pero, ramdam ko sa loob ko ang sobrang kaba. Ni hindi nga ako makapagsalita. Umuurong ang dila ko.

Napahawak na lang ako sa lababo. Nang nakaramdam ako na parang may kinuha siya sa may likod ko, dumilat ako at nakitang hawak na niya 'yong sachet ng hair gel na iiwan ko sana.

Pinunit niya ang dulo ng sachet, saka nagbuhos ng gel sa kanyang palad at pinahid sa buhok ko. May kinuha pa siya mula sa kanyang bulsa na inakala ko talaga na patalim.

Suklay lang pala.

Pagkatapos ay sinuklay niya nang dahan-dahan ang buhok ko. Hindi ko alam kung paano ba dapat ako mag-react. Kaya, tahimik lang ako habang sinusuklayan niya ako.

Napaka-weird, kasi kahit paghinga niya ay rinig na rinig ko dahil sa lapit namin sa isa't isa.

Nang matapos niyang suklayan ay ibinalik niya sa kanyang bulsa ang kanyang suklay. Kasunod ng 'yon ay narinig ko na lamang na bumukas ang pinto at umalis siya na parang bang walang nangyari.

Nakatayo pa rin ako sa loob ng banyo, at sinusubukan i-process sa utak ang lahat.

Humarap ako sa salamin, at nakita kong maayos na nga ang buhok ko. Expose na expose nga lang ang malapad kong noo. Leche.

T.S. STORIES #1: You All Over Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon