Chapter 6

102 7 4
                                    


Nakatingin sa kawalan. Hindi mapakali. Tila nag-iisip kung paano makabalik sa kasalukuyan. Hindi ko talaga alam kung paano—

"Jessie, kanina ka pa kita napapansin na parang balisa. May problema ba?" pabulong sabi ni Mallary.

Nabalik ang wisyo ko dahil sa kanya. "'Di, okay lang ako. Pramis," simpleng tugon ko.

Kita ko ang pagsalubong ng kilay niya. "Talaga? Kanina ka pa tinatanong ni Jared kung may isusuggest ka ba para sa project natin."

Nakahawak lang ako sa notebook at bolpen ko dahil ako ang na-assign bilang secretary ng group, pero 'yon nga lang, nadidistract ako. Hindi ako mapakali, lalo na't nakikita ko si Jared.

Oo, si Jared, as in Jared Pineda.

Siya lang naman ang naging crush ko mula no'ng unang araw ko sa high school. Halos 4 years kong tinago ang feelings ko sa kanya. Kahit alam kong hinding-hindi niya matitipuhan ang isang tulad ko, nag-antay ako. Sa huli, naging tanga lang ako.

Anyway, matagal na rin 'yon. 'Di na masakit. Natuto na ako.

Pero, parang nakakapanibago sa feeling na kaharap ko ulit siya. Pagkatapos kasi ng graduation, hindi ko na siya nakita pa.

Isa pa, eto pa 'yong panahon na hindi pa ako nag-confess sa kanya.

Kanina pa nga niya ako tinitignan pero iniiwasan ko lang. Hindi ko kasi alam kung ano nga ba dapat ang irereact ko ngayon kaharap ko siya. "A-Ah ano, kung ano isusuggest niyo, agree ako," sabi ko na lang.

Napailing na lamang ako, hoping na mawala 'tong mga alaalang bumabalik sa isipan ko.

"Jessie," tawag sa akin ng tumapik sa aking likod. "May extra bondpaper ka pa?"

Si Phoebe, as in girlfriend ni Jared.

Phoebe Jane Mendoza. Siya 'yong muse ng klase namin. Sa kay dami ng nagkarandapa sa kanya, isa lang ang nagwagi sa lahat at si Jared lang.

Model. Matalino. Mabait. Hindi maipagkakaila na bagay nga talaga sila ni Jared.

Tinignan ko ang laman ng case ko at kumuha ng isang sheet ng bondpaper, saka ko binigay sa kanya.

"Salamat, Jess," sabi niya.

Nahuli ko naman siyang nakangiti sa gawi namin. Oo nga pala, kagrupo namin 'yong bf niya.

Leche. Ito 'yong panahon na sobrang inggit ako kay Phoebe. 'Yong halos malunod na ako sa selos kahit sa una't simula pa lamang, wala akong karapatang magselos. Kahit na apat na taon akong nahulog kay Jared, hindi pa rin lumamang ang nararamdaman ko kaysa sa feelings ni Phoebe sa kanya.

Pero, wala na akong nararamdaman sa kanya, 'di ba? Dalawang taon na ang nakalipas matapos akong magconfess sa kanya, kaya wala dapat akong pinag-alala no.

"Jessie, kaya mo bang gumawa ng powerpoint?" tanong na naman niya sa akin.

"Kaya naman," tipid kong sagot.

"Okay. Send nyo lang kay Jessie 'yong mga na-research ninyo. Jessie, ikaw na bahala sa powerpoint," aniya.

Tumango lang ako at kunware may sinusulat sa papel. Ayaw ko siyang tignan dahil ang dami ulit papasok sa isip ko na matagal ko nang binaon sa hukay.

Nang matapos ang meeting ay nakahinga ako nang maluwag. Okay naman talaga na kagrupo namin siya sa sobrang talino niya, pero hindi ko talaga alam kung anong irereact ko kapag kausap ko siya.

Patapos na ang klase kaya oras na ng paglilinis. Na-miss ko tuloy nang maglinis ng classroom. Simula noong nagkapandemic sa present day, nasa online class set up na ang lahat, kaya hindi na kami makakaranas ng ganitong experience sa school.

T.S. STORIES #1: You All Over Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon