EPILOGUE

111 6 0
                                    


Himala.

Isang himala nga kung maituturing ang aking pagkagising mula sa malubhang kalagayan dulot ng pinsala ng nagdaang lindol. Kung tititigan ko ang sarili sa salamin, tila parang walang bahid ng kahapon ang aking balat na minsang nagkasugat-sugat. Maayos na ako.

Matagal na.

Kakatapos lamang ng unang face-to-face class namin pagkatapos mag-umpisa ang recovery stage ng buong bansa dahil pandemya. Unti-unti nang bumabalik ang lahat sa dati. Wala nang matatanaw na face shield. Halos, bakunado na ang lahat. Gayunpaman, nagsusuot pa rin ang lahat ng face mask bilang paunang proteksyon.

"Jess, ayos ka lang?" pagkalabit ni Stephen sa akin. "Nilalangaw na pagkain mo."

Muling nagising ang aking diwa at saka nagsimulang kumain ng pananghalian. Nasa cafeteria kami ngayon kasama si Stephen at dati naming mga kaklase sa high school na kumuha rin ng kapareho naming degree ngayong college.

"Siya nga pala, tinawagan niya ako. Sasabay raw siya sa atin. Kakatapos lang din ng klase niya," pahabol ni Stephen.

Maya-maya'y may sumulpot sa aming harapan na parang kabute. Nakakapanibago kasi madalas na siyang ngumingiti, hindi katulad ng dati.

Kinuha niya ang bakanteng upuan sa tabi ko. "Kamusta?" kaagad niyang tanong.

Tinignan ko muna kung sino ang kinakausap niya at napansin kong sa akin pala siya nakaharap. Akala si kay Stephen.

"O-Okay naman," simpleng sagot ko. "Ikaw?"

"Okay lang din—"

Hindi natuloy ang aking sasabihin nang kanyang inangat ang kanyang kamay at may kinuha malapit sa labi ko. Nakita kong kanin iyon na siyang tinapon niya kaagad.

"Ehem! Respeto naman sa kumakain," pagtikhim ni Stephen.

Napatawa na lamang ako dahil sa biglang ginawa ni Jared, at saka kami nagpatuloy sa aming pananghalian.

Akala ko talaga, hinding-hindi na kami magkikita ni Jared.

Nang magising ako, halos hindi makapaniwala sina Mama. Ilang beses raw sumuko ang katawan ko hanggang narinig nila ang paghingal-hingal ko. Akala ko, nasa kabilang buhay na talaga ako dahil sa bumungad sa akin na mga ilaw ng room. Nang mapagtanto kong nakabalik na nga ako sa present day, kaagad kong tinanong sa kanila ang kalagayan ni Jared. Doon ay nalaman kong hindi pa rin siya nagising dahil sa malubhang sugat niya sa ulo.

Anila, nakita ako ng rescuers na yakap-yakap ni Jared at prinotektahan mula sa debris na nakadagan sa amin. Kaya, utang ko ang buhay ko sa kanya.

Pero, kapalit ng pagligtas niya sa akin ay ang makalimutan ako.

Medyo matagal-tagal siyang nacomatose, at nang makatanggap kami ng balita na nagising siya, kaagad ko siyang binisita. Kaso, nang makita niya ako, hindi niya ako nakilala.

Dahil sa head injury niya, nagkaroon siya ng selective amnesia. May natatandaan pa rin siyang dating memorya at kaibigan noong high school, kaso ako lang ang bukog-tanging hindi niya makilala. Gayunpaman, pinasalamat ko pa rin siya sa ginawa niyang pagligtas sa akin.

Ayos na rin. Kasi, hindi na niya matandaan 'yong pag-confess ko sa kanya dati. Masaya na ako nakakausap ko ulit siya na parang dati.

Nang makauwi na kami, biglang tumawag sa akin si Shania. "Beastieeee! Kamusta, first day ng klase? Gosh, face-to-face na tayo!" excited na excited niyang pangangamusta.

"Oo nga eh. Okay naman yung first day ko dito. Ikaw, kamusta ka 'jan sa school mo? Sayang nga talaga 'di tayo same ng university."

Friends pa rin kami ni Shania. Kaso, hiwalay kami ng school kaya magiging madalang pa rin ang pagkikita namin. Siya pa rin ang kilala kong Shania. Malayong-malayo sa Shania na naging kontrabida at muntikan pang pumigil sa akin na makabalik dito sa present day.

Pero kung iisipin ko, napaka-unfair pa rin eh.

Ako lang ang nakakaalaala sa nangyaring pagbabalik ko sa nakaraan. Hanggang ngayon, hindi pa rin mabura sa isip ko. Nabura na kay Jared, pero ba't sa akin, tandang-tanda ko pa rin?

'Di kaya isang malaking kathang-isip lang din ang lahat? O isang mahabang panaginip habang na-coma ako?

Kung natatandaan niya pa rin ang lahat ng pinagdaanan namin sa peke naming nakaraan, siguro hindi malabong may kami ngayon—

Naputol ang tawag namin ni Shania nang nataranta na ako dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan. Habang nagpapanic akong mahablot ang payong sa bag, may sumilong na sa akin sa ilalim ng payong. Nang nilingon ko ang may hawak nito, nagulat akong si Jared pala.

"Sabay na tayong umuwi," aya niya.

Tila sumilay muli ang saya sa loob ko dahil sa kanya. Kahit hindi niya ako natatandaan, batid kong may lugar pa rin ako sa puso niya.

Wala namang sigurong masama kung magsimula kami muli, 'di ba?

Pero, handa na nga ba talaga ang puso ko?

Sure ka na ba, Jessie?

Ewan.



Basta ang alam ko, sa kay haba-habang panahon, ilang taon man ang magdaan at lumipas...


...Siya pa rin ang nilalaman ng puso't isipan ko.

T.S. STORIES #1: You All Over Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon