SPECIAL CHAPTER #2

58 4 0
                                    

March 10, 2017

Nagkalat ang iba’t ibang papel sa sahig. Deadline na kasi sa mga portfolio namin na kada subject namin. Kailangang walang kulang yung mga compilation namin kung hindi, minus points. Panay hiraman na ng gunting, ballpen, puncher at glue ang nangyayari sa loob at labas ng classroom namin. Gano’n din ang sitwasyon sa katabi naming section.

“Jessie, hiram muna ako saglit ng gunting,” sabi naman ni Jared saka ko agad pinahiram sa kanya ang gunting ko.

Magkaklase pa rin kami ng kaisa-isang crush ko mula first year hanggang second year. Sobra nga ang tuwa ko no’ng nalaman ko yun sa unang araw ng pasukan. Kaya ayun, medyo naging close kami, as friends/classmates of course.

Mahigit isang taon na akong nagkakagusto sa kanya at hanggang ngayon, wala pa rin ni kahit sinuman ang nakakaalam sa crush ko. Ang galing ko kasing magtago ng feelings.

Walang alam ang lahat ng kaklase ko na si Jared pala, ni kahit siya mismo ay walang ideya.




Marami na akong naging kaibigan ngayon kumpara noong first year. Marami na rin ang nagkatiwala sa akin ng mga sikreto nila. Kumbaga ako ang pinagtataguan nila ng mga crush nila, mga kaaway nila at mga chismis sa loob at labas ng room. Hindi ko kasi ugaling magkalat ng sikreto eh. Hindi ko nga kinalat na si Jean yung nagugustuhan ko, pa’no pa kaya yung sikreto ng iba?

Pero, isa lang ang naging matalik kong kaibigan.

Si Stephen, isa sa mga bestfriend ni Jared.

Matalino rin siya tulad ni Jared.

Gwapo rin.

Matangkad.

Pero ang pinagkaiba lang nila, mabait si Stephen at madaling samahan. Mas friendly siya kaysa kay Jared.

Si Jared kasi, hindi madaling samahan tapos hindi mo rin agad malalaman kung mabait pa ba siya ngayon at bukas. Oo, medyo na turn off ako pero kaunti lang.

Nasa kanya na ang katangian ng isang ideal crush pero hindi ko siya type no. Tsaka isa pa, may girlfriend na rin siya.

Pero hindi iyon ang naging hadlang sa pagkakaibigan namin.

Si Stephen yung takbuhan ko kapag may problema ako. Noong panahon na parating may kaganapan sa bahay ay siya ang lagi kong kinakausap sa chat. Siya rin ang palaging nanglilibre sa akin kapag hindi ako makapagbili ng snack tuwing recess.

At siya rin ang tanging nakakaalam na may gusto ako sa bestfriend niya.

Noong mga nakaraang buwan kasi, lagi na akong nanaginip kay Jared. Ang weird kasi eh, parang bang may gusto rin sa akin si Jared sa mga napapanagipan ko. Eh hindi ko naman alam kung ano yung meaning no’n kaya sinabi ko ang lahat na napapanginipan ko tungkol kay Jared.

Ayun, doon niya nalaman ang isang taon kong tinago na sikreto.

Sinabihan ko naman siya na huwag niyang ipagkalat na may gusto ako sa kanya.




Kaya hanggang nayon, nagkukunware lang ako na hindi ko siya gusto at siya naman ay nagkukunwareng wala siyang alam sa sikreto ko. Nakakabwiset lang siya minsan kasi panay tikhim siya kapag nag-uusap kami ni Jared. Sarap kurutin ng tagiliran para tumahimik.

Ewan ko ba. Yung mga ibang na crush ko dati, nagugustuhan ko lang sila for less than a year pero lumagpas pa talaga ng isang taon yung pagtingin ko sa kanya.




Naalala ko, may practice kami sa isang school kung saan nagtuturo yung nanay ng leader namin. Saturday yon kaya kami lang ang nasa school bukod sa mga teachers sa office. Pinapraktis kasi namin yung presentation namin.

Nag-break muna kami saglit para magpahinga. Eh yung mga babaeng kagrupo ko, panay picture sila dito at doon. Todo pose sila sa harap ng kamera. Naisip ko mag-picture rin kaming mga lalaki. Pumayag naman sila dahil bored rin sila.

Hindi naman maganda yung quality ng camera ng phone ko pero ako lang naman ang may matinong cellphone sa amin kaya yung akin ang ginamit namin sa pagpipicture.

Natatawa kasi ako habang panay click ako sa screen. Eh kasi maka pose sila, parang mga model. Pinag-aagawan pa nila yung sunglasses ng isa sa kasama namin.

Si Jared naman yung nagstand out sa kanila. Of course. Kahit anong angle, gwapo pa rin siya. Kaya lagi akong nadi-distract sa picture sa kanila.

Pagkatapos no’n, panay remind sila sa akin na isend sa kanila yung mga pictures nila para pang-profile pic sa Facebook. Syempre masaya ako no, kasi hindi ko na kailangan magstalk pa sa profile ni Jared para kumuha ng pictures niya dahil ako mismo may picture niya.

Kinabukasan, Valentine’s Day. Pagbukas ko ng account ko, nakita kong nagpalit si Jared ng profile picture at nakatag pala yung pangalan ko sa caption.

Happy Valentine’s Day.
📷: Jessie Oliveros

Sobra ang kilig ang naramdaman ko no’ng time na ‘yon. Nagkataon pa talagang Valentine’s Day pa tapos yung picture ko niya yung ginamit niya. Kung wala yung cam emoji, inisip ko na bumabati siya sa akin.




“Jess?”

Bumalik ang ulirat ko nang may tumawag sa akin. “A-ah, yes?”

Si Jared, hawak ang papel ko sa buhay niya— este isang papel lang pala. “Papel mo oh, parang naligaw sa portfolio ko.”

“Salamat,” sabi ko sabay kinuha ang papel.




Parang hindi na ata mabubura ‘tong nararamdaman ko para kay Jared.

T.S. STORIES #1: You All Over Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon