Chapter 7

92 5 0
                                    


January 29. 9AM. Late na ako nagising. Huli na ako klase ko. Kakabalik ko lang kahapon, pero ngayon, parang nawalan akong ganang pumasok. Siguro, dala 'to ng pagod kakaintindi sa lahat ng nangyari kahapon. Hanggang ngayon, sinisisi ko pa rin ang sarili sa nangyari kay Phoebe at Shania. Bukod pa riyan ang malaking kasalanan ko kay Stephen at Diane.

Sumagi naman sa isip ko ang magdrop-out. Kaso, pa'no na 'yong present ko? I mean, 'yong future ko nito?

Napaka-distorted na ng past ko. Hindi ko alam kung pa'no ibalik sa lahat ang dati. Baka nga, nagbago na rin ang present-day ko dahil sa mga nangyayari ngayon.

Ayos lang sana kung tatalon ako sa tulay, tapos paggising ko, nasa present-day na ulit ako. Kaso, hindi eh. Wala talaga akong kaalam-alam.

Ngayon, ako lang mag-isa sa bahay. Kakatext lang ni Papa na may lakad pa raw siya kaya 'di pa siya makakabalik.

Ang weird lang, kasi ba't kaya hindi ako ginising ni Papa ngayon? Alam naman niyang may pasok ako. Ang gulo.

Siguro, puntahan ko na lang si Stephen.

Kaagad akong naligo at nagbihis. Siniguro ko ring malinis ang bahay bago umalis. Bukod riyan, nag-iwan ako ng note na pupunta lang ako saglit kina Stephen para bisitahin siya. Alam ko namang hindi ako papayagan kung itetext ko kaagad ngayon sa kanila. At least, kapag hindi nila ako madatnan dito, alam nila kung nasaan ako.

Lumabas na ako ng bahay at pumara ng masasakyan. Nagpunta muna ako sa palengke para may maidala akong pagkain para sa kanya. Pinabalot ko muna 'yong mga binili kong prutas, tsaka dumiretso sa paradahan ng sasakyan patungo sa kanila.

Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Stephen. Hindi ko alam kung magagalit ba siya sa akin o mapapatawad pa ba niya ako. Sana maayos na ang kalagayan niya.

Hindi pa nagkalahating-oras ay nakarating na ako sa village nila. Bumaba ako at bumungad sa akin ang tahimik na kabahayan. May narinig naman akong naglalarong mga bata pero galing sa tapat na village. Dito, parang walang katao-tao.

Minsan na akong nakapunta rito kaya hindi ako nagkakamali. Andito lang ang bahay ni Stephen. Kailangan ko lang hanapin ulit.

Paglagpas ko sa bakanteng lote, natunton ko ang bahay nila. Nadatnan ko pa ang nanay niya na nagsasampay ng labahan. "Magandang umaga po, Auntie," bati ko na umagaw sa atensyon niya.

"Ay naku, Jessie! Ikaw pala!" aniya at napabitaw tuloy sa mga isasampay sana niya. "Hali ka, pasok ka."

Nagmano ako, saka ako tumuloy sa kanila. "Para kay Stephen nga pala po. Pasensya na po kung eto lang ang kaya kong dalhin," aking pag-abot sa dala kong mga prutas.

"Nag-abala ka pa talaga. Pasok ka sa loob para makita mo siya."

Nang pumasok ako, wala akong nadatnan na ibang tao. Tahimik lang ang bahay. Simple lang, pero mas maganda pa 'to kaysa sa apartment namin.

"Nasa kwarto siya. Dali, puntahan mo," sabi ni Auntie sabay turo sa isang nakasarang pinto.

Dahil medyo nahiya pa ako, si Auntie na ang kumatok at nagbukas sa pinto ng kwarto. Nang silipin namin, nadatnan naming nakaupo lang siya sa kama at abala sa nilalaro niyang rubik's cube. Meron pa rin siyang suot na arm sling.

"Psst, Stephen," simpleng tawag ko.

Lumingon siya at doon, nakita ko ang gulat sa mukha niya. Pumasok ako sa kwarto niya, tsaka sinalubong ng yakap niya. "Jessie!" pagtawag niya sa akin. "Buti, andito ka!"

Pagbitaw niya ay pinaupo niya ako sa kama. "Kumusta? Masakit pa ba 'yong sugat mo?" kaagad kong tanong.

"Hindi na masyado. Baka bukas, papasok na rin ako," aniya.

T.S. STORIES #1: You All Over Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon