SPECIAL CHAPTER #4

99 5 4
                                    

April 25, 2019

Isang araw na ang nakalipas pagkatapos ng thanksgiving party ng klase namin sa bahay ng adviser namin. Masaya naman. May exclusive pool kasi malapit sa bahay ni Ma’am kaya iyon ang naging venue namin sa party. Tapos, marami pang pagkain kaya busog na busog kami.

Yun nga lang, hindi lahat nakapunta. Strict kasi mga parents nila tsaka wala rin silang budget para sa ambagan.

Kasali na si Jared.

Ang sabi niya sa group chat, masakit daw tiyan niya kaya hindi siya makakapunta.

Expected ko naman ‘yon na mangyari, lalo na’t nakuha na niya yung pinapabigay ko sa kanya.




Tatlong taon ko na siyang crush at mag-aapat na sa susunod na pasukan. Sa kabila ng mga kaganapan ngayong taon na labis akong nasaktan, nagawa ko pa ring ibigay ang libro na ‘yon.

Yung ipinangako kong magsusulat ako ng isang daang tula as my confession.

At no’ng nakuha na niya, hindi na siya nagpakita sa paningin ko.




Sa kasagsagan ng pagsusulat ko ng mga tula, may narinig akong chismis mula sa mga kaklase ko. May natitipuhan daw si Jared sa klase namin. Syempre na-curious ako kaya nakichismis rin ako sa kanila.

Parang bang gumuho ang mundo ko habang sinasabi nila sa akin ang namamagitan sa kaibigan nila at ni Jared.

Nililigaw daw ni Jared ang kaibigan nila.




No’ng una, hindi ako makapaniwala kasi baka matulad lang no’ng mga ka-MU niya noon pero ilang araw ang dumaan, napansin kong parating nang nag-uusap si Phoebe at Jared. Parating silang nasa sulok na parang bang nagpapalitan sila ng mga interes sa isa’t isa.

Para hindi ako mapaghalataan, todo kutsa ako sa kanilang dalawa.

Mas bagay sila.

Kaya, hindi imposibleng magkakatuluyan sila.




Isang araw, habang nakasakay ako sa isang tricycle pauwi, nadaanan ko ang isang 7/11. Sa bagal ng takbo ng sinasakyan ko, naaninag ko ang mga nasa loob ng store.

Si Phoebe at Jared, namimili ng makakaing Cornetto sa isang ice cream freezer.

May date pala ang dalawa.

Umiwas na ako ng tingin bilang respeto sa kanila, kahit na masakit.




Isang gabi, pauwi na rin ako kasama si Jared, mga kaibigan niya at iba pa naming kaklase. Dumistansya ako mula sa grupo nila sa paglalakad para makapag-isa nang may tumabi sa akin.

“Jessie!” tawag niya sa pangalan ko.

“Oh, hi Jared.”

“Jessie, Jessie, Jessie,” tawag niya ulit sa pangalan ko na parang kinakanta niya kaya natawa kaming dalawa.

Kahit na palagi siyang seryoso sa klase, may ganito pa ring side si Jared. Minsan ko lang talaga nakikita yung ngiti niya.

Bigla naman siyang inakbayan ng mga kaibigan niya at inunahan ako sa paglakad. Kahit kailan, may maninira talaga ng moment naming dalawa.

Habang nakasunod ako sa kanila, narinig kong kinukulit nila si Jared kay Phoebe na nasa unahan lang namin kasama ang mga kaibigan niya.

“Oy, ligawan mo na kasi!”

“Oo nga. Tignan mo, maganda siya tapos matalino, tapos ang sexy pa, naks bagay na bagay kayo!”

“Ayiee!”




Bigla akong napahinto sa paglalakad. Hinawakan ko nang mahigpit ang yakap-yakap kong briefcase habang sinusubukang kong pigilan ang nararamdaman ko.

Pero nabigo ako.

Unti-unting dumaloy sa aking mukha ang luha sa mga mata ko.

Doon ko na-realize na wala na pala akong pag-asa kay Jared. Hindi ako ang nakatadhana para sa kanya. ‘Di hamak na may gusto lang ako sa kanya.

Hindi ako ang gusto niya.



Sa wakas, pumasok na rin sa kokote ko ang lahat na dapat ma-realize ko. Sa kahuli-huli ng istoryang ito, ako lang pala ang kawawa dito.

Kahit pa kinanta pa niya ng ilang beses ang pangalan ko at sabay kaming tumawa,
Kahit pa ipahid pa niya ang kamay niya na may asukal sa uniform ko,
Kahit pa nahilo ako dahil siniko niya ang ulo ko,
Kahit pa niyakap niya ako,
Kahit pa lagi ko siyang napapanaginipan gabi-gabi,
Kahit pa katabi ko siya sa tent,
Kahit pa tinulungan niya akong kunin ang hanging notes sa kisame,

Walang magiging kami.




Pero ba’t binigyan pa kita ng isang daang tula kahit na nakita kitang hawak mo ang bewang niya habang sumasayaw kayo sa last dance ng graduation ball?
Kahit na siguradong ibabasura mo lang ang feelings ko?
Kahit na halatang babae ang gusto mo?

Simple lang.




Tinupad ko ang pangako ko sa sarili ko na bibigyan kita kahit anong mangyari.




Ayaw ko nang kimkimin pa ang nararamdaman ko para sa’yo dahil masasaktan pa ako.
Ayaw ko nang mag-invest pa sa feelings ko sa’yo dahil alam ko namang luging-lugi na ako.
Ayaw ko nang magpakatanga.




Sapat na siguro ang apat na taon para mahalin ka.




Salamat, dahil marami akong natutunan no’ng nahulog ako sa’yo, Jared.

T.S. STORIES #1: You All Over Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon