SPECIAL CHAPTER #1

96 4 0
                                    

March 18, 2016

Abala ang lahat na sa pag-aayos at paglilinis ng classroom. Nalalapit na kasing magtapos ang unang taon namin sa high school, kaya nililigpit na namin ang mga gamit at decoration ng batch namin. Habang abala sila sa paglilinis, abala naman ako sa pagtatagal ng mga decoration sa ceiling ng room. Naglagay kasi kami ng hanging notes dito, isa sa mga homeroom projects namin.

Hindi ko abot kisame kaya pumatong ako sa isang silya. Nagtatanggal na ako ng mga hanging note nang napansin kong ay nakatingin sa akin.

Si Jared.

Ang classmate kong crush.

Isa sa siya sa mga matatalinong estudyante sa klase namin. Bukod pa riyan ay crush rin siya ng mga babae kong kaklase dahil hindi maitatangging gwapo nga siya. Matangkad pa.

Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya kaya agad kong binalik ang atensyon sa pagtatanggal.

“Tutulungan na kita,” rinig kong boses na pamilyar sa akin kaya agad kong nilingon kung kanino yung nanggaling.

Si Jared.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Nagtataka naman ako kung paano niya ako tutulungan eh maiit lang ang espasyo ng ipaakan ko kung papatong pa siya sa silya.

“Paano? Ang liit ng sily-“

Nagulat ako nang agad siyang tumapak sa maliit na espasyo ng silya. Hindi ako makahinga nang maayos sa sobrang lapit, dahil isang atras lang ay may matutumba sa aming dalawa.

“Wag ka lang magalaw para ‘di tayo matumba,” sabi niya saka nagsimulang magtanggal ng mga hanging note.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko saka nagpatuloy sa trabaho ko. Hangga’t nakatayo pa kami sa iisang silya, hindi ako okay.

Habang inaabot ko ang natitirang note sa isang sulok, bigla akong nawalan ng balanse. “Gaaaaah-“

Nakaramdam na lang ako ng braso na nakapulupot sa tiyan ko kaya hindi ako tuluyang nahulog. Humawak naman ako sa pader para maibalik ang balanse ko. “Salamat,” tanging nasabi ko na lang.

Bumaba naman siya sa silya at napansin kong marami na ang nakuha niya. Pumunta siya sa sulok saka lumundag nang mataas at nakuha niya ang huling note na pamahak sa akin.

“Ikaw na magpatuloy. Lalabas muna ako saglit,” sabi niya sabay bigay ng huling note saka umalis.

Binasa ko ang note at napangiti naman ako.

#Smile :)




Naalala ko kung paano ako panakaw na lumilingon sa batok niya no’ng unang araw ng klase, umaasang malaman ko ang pangalan niya. Siya rin ang pinagchichismisan ng mga katabi ko. Tumatawag ang adviser namin sa mga pangalan namin para sa attendance at nang matapos akong tawagin ni Ma’am Marga ay tinawag naman niya ang kasunod sa akin.

“Jessie Oliveros... Jared Pineda,” sabi ni Ma’am saka ang nagpataas ng kamay ang lalaking kanina ko pang tinitignan.

Nagtilian naman ang mga katabi ko nang sumagot siya. “Present.”

Doon nagsimula yung pagtingin ko para sa kanya. Kumbaga, “love at first day.” Siya lang ang naging crush ko hanggang sa ngayon. Pilit ko namang tinatago ang kilig na nararamdaman ko sa tuwing pinapansin niya ako.

Ayaw ko namang mabuking hindi lang ang feelings ko, kundi pati na rin ang pagkatao ko.




Naalala ko rin ang araw ng encampment namin. First time kong maka-experience ng camping kaya sobra ang excitement lalo na’t pumayag sila Mama at Papa sa pagsali ko. Ang daming games, madami rin akong nakilala galing sa ibang section saka may libreng pakain rin, pero and hindi ko talaga makalimutan yung gabi na magkatabi tayo sa iisang tent.

Buong akala ko ay wala nang bukod sa aming tatlo kong kaklase ang mananatili sa hiniram naming tent. Noong oras na matulog ay lumipat siya sa amin at saktong sa tabi ko pa siya hihiga.

Halos hindi ako makahinga nang maayos dahil katabi kong matulog ang kaisa-isa kong crush. Ang daming bagay ang tumatakbo sa isip ko noong panahon na iyon pero pilit kong ibura ang lahat dahil ayokong magmukhang pariwara sa hara— sa tabi niya.

Pumikit na ako para makatulog na pero bigla na lang may sumundot sa ilong ko. Pagdilat ko ay mukha niya ang sumalubong sa akin kaya naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko.

“Ang cute mo,” natatawa niyang sabi kaya mas lumakas ang kabog sa dibdib ko.

Bago pa magwala ang katinuan ko ay tumalikod agad ako. “Che, tulog na ‘ko,” pairita kong sabi kahit na sa loob ko ay nagwawala na ako sa kilig.

Iyon na siguro ang pinakamasayang araw ng buhay ko.



Matatapos na nga ang unang taon namin sa high school pero parang magpapatuloy pa yata ang pagtingin ko kay Jared sa susunod naming pagkikita.

T.S. STORIES #1: You All Over Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon