Chapter 15

74 5 0
                                    


Sa gitna ng dilim, nanatili lamang ang aking tingin sa nagningning na kalangitan sa ibabaw ng kumikislap at natutulog na syudad. Tanging dilaw na buwan ang nagbibigay-liwanag sa lugar, at sinabayan pa ng malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa aking pisngi.

Sa tahimik dito, tanging ingay lamang na maririnig ay ang pagkaluskos ng mga dahon ng mga puno.

Nang ibaling ko ang aking tingin sa kasama ko, nakatingala lamang siya ngunit pansin ko ang bakas ng saya sa kanyang mukha. Kakaiba itong napapansin ko sa kanya; pakiramdam ko, ibang Jared ang kasama ko ngayon.

"Enjoying the view?" biglang tanong niya na siyang nagpabalik sa tingin ko sa syudad.

"Oo, ang ganda pala ng view mula rito," sabi ko.

Kakarating lang namin mula sa venue ng ball namin. Umangkas ako sa hiniram niyang motor. No'ng una, hindi ako kaagad naniwala na marunong pala 'to magdrive. Sa naalala ko, hindi talaga 'to marunong eh. Buti nga, napapayag niya pa rin akong sumama. Maayos rin siyang bumyahe. Kaso, panay sabi na hahawak raw dapat ako sa kanya. Hindi ako sumunod no. Mang-aasar na naman mamaya.

"Anyway, dinala kita rito kasi may itatanong sana ako sa 'yo," aniya.

"Wow. Napaka-confidential ba 'yang tanong mo na kailangan pa nating magpakalayo-layo mula do'n sa ball? OA nito ha," ani ko.

"Tungkol naman 'to sa 'yo. Hindi mo siguro kakayanin kung itatanong ko 'to sa harap ng mga tao," paglilinaw niya.

Tila kinabahan ako sa sinabi niya. Kung hindi ko 'to kayang sagutin sa harap nilang lahat, ano naman kaya 'to—

"Gusto mo ba talaga ako?"

Sa puntong iyon, mabibigla na sana ako eh. Kaso, narinig ko na 'to mula sa kanya. Sa rehearsal pa lang doon sa gym, tinanong na niya 'to sa akin.

Pero, ba't parang ang curious niya sa isasagot ko? Kani-kanina lang, napaka-ayos niyang pagmasdan kasama si Phoebe, tapos heto siya sa harap ko, tinatanong ang parehong tanong sa akin.

"Jared—"

"Totoo bang crush mo 'ko simula first year pa lang natin?"

Dito na ako nagulat nang husto. Sa panahong 'to, 'di pa niya nalaman ang tungkol rito. Tinago ko ang sikretong 'to hanggang sa nag-senior high na kaming lahat.

"Paano mo nalaman?" taka kong tanong.

Isang tao lang ang naiisip kong magbubulgar ng sikreto ko dahil siya lang ang tanging may alam rito bukod sa akin.

"Si Stephen? Sinabi pa niya 'to sa 'yo?"

Napangisi siya nang banggitin ko ang pangalan ni Stephen. "Siya nga siguro, pero paanong 'di ko malalaman kung ganyan ka makatingin sa akin?" aniya.

Humakbang siya palapit nang hindi binabaling ang tingin sa akin. Sinubukan kong umatras, pero parang may parte sa akin na pumipigil na igalaw ang mga paa ko.

Huminto siya nang ilang pulgada na lamang ang distansya namin sa isa't isa. Sinubukan kong umiwas ng tingin, kaso hindi mapigilang tumitig sa mukhang minsan ko nang hinangaan nang husto.

"Kung paano ka tumitig sa akin. Kapag nahuhuli kitang nakatingin sa akin. Kung paano ka sumagot sa halik ko do'n kina Stephen. Idedeny mo pa bang hindi mo ako gusto?"

Leche, totoo nga 'yon. Totoo nga 'yong nangyari kina Stephen.

Sa oras na 'to, binaling ko na ang aking tingin sa kawalan. Hindi ko kaya 'tong kahihiyan na nararamdaman ko sa loob dahil nabisto na niya ako. Obvious na obvious na pala ako sa tingin niya.

T.S. STORIES #1: You All Over Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon