Chapter 10

92 7 0
                                    


Date check. February 14, 2018. Huwebes.

Valentine's Day ngayon at may event sa school mamayang hapon. Wala namang problema sa akin kung anong okasyon ngayon kaso nakakaurat lang pagmasdan sa paligid mga tao dito. Kung maka-PDA, parang wala sa school premises ah. Daig pa KathNiel at JaDine.

Anyway, halos isang linggo na rin simula noong nagkita kami ni Manong. Sa sobrang atat kong makauwi sa present day, dinamihan ko na ang entry ko sa diary, as long as hindi nangyari sa totoo kong nakaraan.

Tungkol naman kay Papa, kakadischarge lang kahapon sa ospital matapos nga atakihin sa puso. Nagpapahinga na ngayon siya sa bahay. Doon, humingi siya ng tawad sa ginawa niya sa akin at kay Mama, pero hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isip ko 'yong sinigaw niya sa harap ko no'ng gabing iyon. Hindi ko alam kung kaya ko na ba siyang patawarin.

Sa classroom, abala ang mga kaklase ko sa pagde-decorate habang ako naman ang in-charge sa blackboard. Maganda daw kasi ang penmanship ko kaya ako ang inatasang magsusulat sa board. Kaso, hindi lang 'yong blackboard ang business ko.

"Jessie, pasulat naman. Panget kasi ng sulat ko," sabi sa 'kin ni Gino sabay abot ng nakatuping red na construction paper.

In-demand rin 'yong handwriting ko sa mga kaklase ko. "Aba, aba, aba. May pa-love letter ka na ha. Kanino mo ibibigay?" kaagad kong tanong.

"Sulatan mo na, dali," pakiusap niya.

Mapapasanaol ka na lang talaga sa kanya. Etong si Gino kasi, ang lakas ng appeal sa mga babae mula sa lower years. Pero sa naalala ko, wala rin naman siyang nakatuluyan. Ewan ko na lang kung mababago ba tadhana niya rito kung mag-confess siya ngayon.

Habang nagsusulat pa ako, may naglatag pa ng isang letter sa mesa.

"Pasulat rin ako, Jessie," aniya ng kakalapit lang na kaklase ko.

Tumingala ako at nalaman kong si Phoebe pala iyon. Nang makita ang hawak niyang pulang folded letter, isang tao lang ang sumagi sa isip ko.

Tinapos ko muna 'yong kay Gino, saka kinuha 'yong card ni Phoebe. Paniguradong kay Jared niya 'to ibibigay.

"Ayy, Jessie, 'di yan para kay Jared," biglang sabi niya.

Saka ko lang napansin na yung nailagay ko sa card ay 'Happy Valentine's Day Jared'. "Hala, sorry, 'kala ko kay Jared mo ibibigay! Sorry! Gawan na lang kita ng bagong card—"

"Ayy, wag na. Okay lang, promise. Tatapakan ko na lang ng papel," aniya bago nagdali-daling bumalik sa kanyang seat kung saan nagkalat ang mga construction paper niya. Naku, nag-effort pa naman siya sa card tas mali pa nalagay ko sa card.

Pumasok naman bigla si Stephen sa room at nang mapansin ako, nilapitan niya ako sa mesa. "Oh, ba't ganyan itsura mo?" tanong niya.

"Eh kasi, nagpapasulat si Phoebe ng card, tas nalagay ko pangalan ni Jared. Akala ko kasi, para sa kanya 'yon," paliwanag ko.

"Akala mo lang o iniisip mo talaga siya?"

"Tumigil ka nga, Stephen," pag-irap ko.

Tawa-tawa pa ang baliw. Ako? Iniisip siya? Psh, hindi no.

Pansin ko naman ang dalang paper bag ni Stephen na inabot niya sa akin. "Oh sa'yo 'yan. Alam ko namang walang mag-aabot sa'yo ng kahit ano ngayong Valentine's Day kaya binilhan na lang kita," sabi niya.

Pagsilip ko ay isang box ng Curly Tops ang nakita ko. Tila nabuhayan ako sa kanyang inabot. "Ay, hala, thank you," pasasalamat ko.

"Basta, pasulat rin ako ng card mamaya," aniya.

T.S. STORIES #1: You All Over Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon