Chapter 16

71 4 0
                                    


Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako nagpagulong-gulong sa kama. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Halos sariwa pa sa aking isipan ang lahat na naganap simula noong gabing iyon.

Napapansin na nga ni Mama 'yong panay ngiti ko. Parang baliw na raw ako. Bigla-biglang natatawa. Kaya, nag-umpisa na 'yong pagdududa nila sa akin. Sinusubukan ko naman na hindi magpahalata, kaso ayaw umayon 'yong buong sistema ng katawan ko. Kapag dumadalaw sa siya sa isipan ko, natatawa na lang ako. Ewan.

Nagd-date na kami ng halos dalawang linggo na. Hindi ko na namalayan ang bilis ng panahon. Wala pang nakakaalam nito bukod sa aming dalawa. Mga kaibigan namin. Mga kaklase namin. Ni mga pamilya namin. Wala. Kaya, patago rin kaming nagd-date.

Natatakot pa kasi ako sa magiging reaksyon nina Mama. At the same time, hindi ko rin alam kung hanggang kailan ba namin kakayanin ang ganitong set-up. Kakayanin daw niya, hanggang sa kaya ko nang umamin sa mga magulang ko.

Bukas na ang second week namin, pero ic-celebrate ko muna ngayon 'yong kaarawan ko. Ang weird sabihin pero magce-celebrate ako ng 16th birthday sa ikalawang pagkakataon. Hindi ko alam kung maghahanda ba sila Mama, pero mukhang wala ata silang plano.

Kaya naman, nagpasyahan kong magpunta na lang muna sa simbahan. Nag-text na ako sa kanya kagabi na sasamahan niya akong magsimba ngayon. Hihintayin niya raw ako doon sa park malapit sa church.

Paglabas ko ng kwarto, pinagtinginan ako ng mga kapatid ko mula ulo hanggang paa. Tinaasan ko sila ng kilay. "Ano?!"

Napahalukipkip ang dalawa habang pinagmamasdan ako. "Sa'n punta mo? 'Di ba magsisimba ka lang?"

Wow, kung makainterrogate, daig pa si Mama. "Oo. Bakit, magmali ba sa suot ko?" tanong ko.

"Wala naman. For the first time, naging tao ka na suot mo," ani ng kapatid ko. "Sisimba ka nag mag-isa?"

"Oo, nang mag-isa," diin ko kahit hindi naman totoo.

Umalis na ako ng bahay at pumara na ng masasakyan. Pagdating ko sa park, wala akong mahagilap na bulto ni Jared. Nang tinignan ko ang phone ko, saka ko pa nabasa ang text niya.

From: Jared

Sorry. Di ako makapunta. Bawi ako bukas.

Hindi na lang ako nagreply at kaagad na binalik ang phone sa bag. Napaismid na lang ako dahil sa dismaya. Nangako pa naman siya na sasamahan ako ngayon, tapos hindi pala sisipot. Kung emergency, maiintindihan ko naman pero hindi man lang nagsabi kung bakit hindi siya makapunta. Psh.

Dumiretso na lang ako sa church at nag-attend ng misa. Pagkatapos ng misa, nagsindi naman ako ng kandila at nagdasal kay Lord na sana magiging maayos lang ang lahat. Ipapaubaya ko na sa Kanya ang lahat-lahat.

Since wala akong kasamang magpunta ng mall, umuwi na lang ako. Nanghihinayang pa naman ako sa suot ko ngayon.

Pag-uwi ko, tila nakarinig ako ng tawanan sa bahay kahit tinatahak ko pa lang ang eskinita. Iniisip kong may bisita ata sina Mama.

Nang makarating at malaman kung sino iyon, napasinghap at nanlaki ang mga mata ko sa aking nadatnan. Tila kaagad akong inatake ng pagkapraning at kaba nang makita si Jared at ang mga magulang ko.

Napatingin silang lahat sa akin. Halos hindi ako makapagsalita dahil sa bumungad sa akin. Paglingon ko kay Jared, ngumingiti pa 'to sa harap nilang dalawa.

"Pasok ka, mahal naming kapatid," bait-baitang pagbati sa akin ng kapatid ko nang pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Umupo ka, Jessie," utos sa akin ni Papa habang tinuturo ang bakanteng upuan sa tabi ni Jared.

T.S. STORIES #1: You All Over Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon