Chapter 14

76 6 1
                                    


April 2.

Dalawang araw na simula noong nagising ako dito sa bahay pagkatapos magkipag-sleepover kina Stephen. Hindi ako nagkakamali sa aking naalala. Hindi man kapani-paniwala, pero kita ko si Jared, at kung paano niya inabot ang aking labi.

Ramdam ko pa rin ang haplos ng kanyang labi.

Parang panaginip lang lahat, pero totoong-totoo ang nadarama ko.

Ngayon, naghahanda na ako para sa Moving Up Ball ngayong gabi. Buti na lang, sinabihan ako ni Mama na may event pala akong pupuntahan. Nakalimutan ko ang tungkol rito.

...Kahit na sa present day, tandang-tanda ko pa rin 'to.

Ito sana ang gabi na inakala kong aayon ang lahat sa aking plano. Inakala kong sasayawin ako ng taong hinahangaan ko ng ilang taon. Inakala kong uuwi akong masaya. In love. Mala-fairytale na gabi.

Kaso, hindi. Harap-harapan akong sinampal ng katotohanan sa oras na iyon.

Tandang-tanda ko pa kung paano umalingawngaw sa buong silid ang paborito niyang kanta, habang hawak-hawak ni Jared ang kanyang bewang. Paikot-ikot sila sa silid na parang bang araw at buwan, nakatitig lamang sa isa't isa sa kalagitnaan ng kalawakan, habang tila ako'y isang bituin na walang ibang magawa kung 'di pagmasdan ang pag-usbong ng pag-ibig sa gitna nilang dalawa.

Nag-aassume kasi, kaya nasaktan. Ang dami kong natanggap na signal mula sa kanya sa loob ng apat na taon, pero huli na para mapagtanto ang lahat.

Akala ko, may chance pa ang tulad ko kay Jared.

Akala ko lang.

Kahit na nakamove-on na ako, 'di ibig sabihin na gusto ko ulit maranasan ang lahat ng iyon. Ayaw kong uupo ulit ako sa upuan at patagong iiyak habang pinagmamasdan silang lahat.

Alam ko naman na sa umpisa pa lang, wala na akong karapatang masaktan nang ganito kalala. Kasi nga, crush ko lang naman siya, 'di ba?

At saka, wala namang kami?

Kahit na apat na taon ko siyang minahal nang patago, wala akong karapatan masaktan, 'di ba?

Hindi ako ang pinili.

Hindi ako ang nauna.

At higit sa lahat, hindi talaga ako ang para sa kanya.

Matagal-tagal rin bago ko na-realize ang lahat na iyon. Halos umabot ng dalawang taon bago ako naka-move on sa lahat.

Naiintindihan ko naman kung bakit masakit. Siya 'yong unang crush ko. Tila baguhan pa lang ako pagdating rito. Wala akong kaalam-alam kung paano kontrolin ang dinaramdam ko.

Masaya na ako sa present day, pero lecheng tadhanang 'to at dinala ako ulit sa nakaraan para lang saktan ulit ang sarili ko at ang mga tao sa paligid ko.

Nag-ayos na ako ng sarili ko. Isang simpleng suit lang ang sinuot ko, at saka kaunting ayos lang sa buhok. Alam ko naman ang mangyayari doon mamaya, pero ayaw ko rin namang magmukhang bibisita ng last vigil.

Kunware, excited ako. Yehey.

Lumabas na ako ng bahay at pumara ng taxi. Ayaw ko namang mag-commute na ganito ang suot ko. Chineck ko naman kung may dala akong panyo sa bulsa. Baka bigla pa akong umiyak doon.

Pagdating ko sa venue, nag-aantay na sa labas ang lahat ng mga attendee sa ball. Pabonggahan ng gown at make-up ang mga babae habang karamihan sa mga lalaki, parang aattend lang ng business conference tulad ko.

Pangiti-ngiti lang akong lumapit sa mga kaklase ko, at saka pumila. Kunware nga, excited.

Pero ang totoo, excited nang uuwi ng bahay.

T.S. STORIES #1: You All Over Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon