“Where's Raymond by the way?” Parang nangapal ang mukha ko sa tanong ni Mom, no please sana wala dito si Raymond, i don't want to see him, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya naalala ko yung huli naming kita sa Condo niya yung hinatid ko siyang lasing siya.
Umatras ang paa ko.
Please Theo come back here, piping panalangin ko.
Malisyosong tumingin sa akin si Tita. “Oh he's with us.” Tita Carla grinning.
Parang huminto ang pagtibok ng puso ko, nandito si Raymond.
“May importanteng tawag lang kaya naiwan sa garahe—!” Tumagos ang tingin ni Tita sa likuran ko nakita kong malawak itong ngumiti.
“Oh he's here na.”Mariin akong pumikit at lalong humigpit ang hawak sa clutch ko.
Nakita kong ngumiti si Mommy kahit ang mata niya ay nakangiti pakiramdam ko lalabas ang puso ko sa kaba.
“Oh hi Raymond.” Sabi ni Mommy ng makalapit ito, naramdaman ko nag pagtabi ni Raymond sa akin.
Sa gilid ng mata ko nakita kong iniangat niya ang kamay ni Mom at nagmano. “It's nice to see you again Tita.” Magalang na sabi ni Raymond.
Pagtapos noon, naramdaman ko ang tingin ni Raymond sa akin.
“Oh, siya sige maiwan na muna namin kayo.” Tita Carla said, nakita kong tumingin sa akin si Mom makahulugan itong ngumiti sa akin bago tumalikod.
Lalo akong kinakabahan ngayon, sana dumating na lang si Ariyah at kunin ako dito hindi ko pa kayang harapin si Raymond pero ito siya ngayon nakatayo nakatingin sa akin habang may hawak na baso na alam kong alak ang laman.
“How are you?” Rinig kong sabi ni Raymond.
Sinikap kong ngitian ito bago tiningala siya. “I.. I'm fine.” Napabuga ako ng hininga.
Nakita kong marahan siyang tumango tango.
“Buti ka pa.” Mapait na sabi niya bago mahinang tumawa.Nakagat ko ang pang ibabang labi ko i feel guilty. “I.. I'm sorry Raymond.” I bit my lower lip.
Nakita kong tumigas ang mukha niya. “For what?” Lumagok ito sa inumin.
Natigilan ako para saan nga ba? For cheating on him?
I let out a deep breath. “Cr lang ako.” handa na akong tumalikod ng marinig ko ang boses niya.
“Leaving again, fine! dyan ka naman magaling.” He bitterly said.
Pumihit ang ulo ko sa kanya nagtama ang mata namin walang emosyon ang nukha niya pero yung mata niya puno ng lungkot at galit.
“I'm so sorry Raymond, i...i don't know what to say, I am not sure if we can talk about what happened.” Mabigat ang dibdib kong nilisan si Raymond at humalo sa mga taong nasa gitna.Agad hinanap ng mata ko si Theo nakita ko siyang kasama si Bryle sa gilid ng lamesa may hawak itong alak maging si Bryle mukhang may pinag uusapan sila agad kong tinungo ang lamesang inuukupa nila.
“Theo.” Sabi ko ng makalapit umangat ang mata nito sa akin nakita kong malalim siyang huminga.
“Aalis na ako love birds .” Sabi ni Bryle nakita kong tinapik nito ang balikat ni Theo.
Nakanguso akong lumapit sa kanya. “Ba't mo ko iniwan doon.”
Marahas na nagpakawala ng buntong hininga si Theo bago ako hinapit sa kanya. “Masakit sa tainga ang mga sinasabi nila, parang gusto kong ipaglandakan na akin ka.” Frustrated nitong sabi at hinawakan ang bewang ko.
BINABASA MO ANG
His Secret (De Silva Series #5) Complete
General FictionR/18 Theo James DeSilva - R/18 THEO JAMES DE SILVA "Are you out of your mind!" He hissed at me with disbelief on his face. I looked at him with no emotion in my face. "Yeah." I took a deep breath. "She is your sister!" He hissed again. Sister? "we...