Kabanata 32

1.4K 43 8
                                    

“T..theo?” Bumadha ang gulat sa mukha ni Kathy ng makita niya ako sa labas ng Condo Unit niya, naka roba siya at halatang galing sa bathroom.

Malungkot akong Ngumiti sa kanya bago namulsa sa suot ko at malalim na nag paka wala ng buntong hininga. “H..hey, can I come in?” I asked her in a low tone.

Humugot ng malalim na hininga si Kathy bago ngumiti at malaking binuksan ang pintuan.
“Pasok ka.” Sabi niya at nauna ng maglakad.

Sumunod ako sa kanya.
“Ano nga palang sadya mo dito?” Huminto siya sa couch umupo siya doon.

Umupo ako sa tapat niya.
“I...I don't know.” Nagpakawala ako ng hininga. Hindi ko alam kung bakit ako dito dinala ng paa ko matapos kong umiyak sa office nagmaneho ako ng walang direksyon hanggang sa napagtanto ko na tinatahak ko ang Condo building kung saan nakatira si Kathy.

Hindi nagsalita si Kathy mataman siyang nakatingin sa akin na parang binabasa kung anong problema ko nakita kong tumayo siya naiwan ako sa couch ang gulo ng isip ko ang daming naglalaro ang daming gumugulo,

Bumalik si Kathy na may hawak itong dalawang baso ng shot glass inilapag niya iyon sa center table umupo siya sa pinag alisan niya kanina binuksan ang Mojito at sinalinan niya ang dalawang baso.

Inilapag niya sa harapan ko ang isa at ang isa naman ay hawak niya Ngumiti ako ng tipid at kinuha iyon nilagok ko iyon.
“Now, tell me what's your problem.” She said in a corious tone.

Mabigat akong Nagpakawala ng buntong hininga ayaw kong pag usapan ayoko ng isipin, ayoko ng alalahanin.

“Kathy, I don't want to tell you.” Nagpakawala ako ng hininga. “I don't want to talk about it anymore because it's breaking my heart.” Nalasahan ko ang pait sa huling sinabi ko.

Hindi nakatakas sa mata ko ang pag daan ng emosyon sa mata ni Kathy, nakita ko ang sakit doon.

Binitawan ko ang baso parang mali ata ang pag punta ko dito tumayo ako. “A..aalis na ako.” Pagkasabi ko noon tumalikod na ako at nagmamadaling nilisan ang Condo unit ng babae.

Napa sabunot ako sa buhok ko anong ginagawa ko. Putangina talaga! Nang makababa ako sa parking lot sumakay ako ng kotse at ng paandaein ko iyon maamo ng mukha ni Summer ang nakikita ko, pinalig ko ang ulo ko at humigpit ang hawak sa manibela hindi pwede, hindi ko kaya tutol ang isip ko sa sinasabi ng puso ko, susubok ako isa na lang kung ayaw niya talaga wala na akong magagawa kahit ikabaliw ko pa.



Pinunasan ko ang tumulong luha sa mata ko ng marinig ko ang hakbang ng paa papunta sa akin, kanina pa ako umiiyak simula ng umuwi ako galing sa office ni Daddy, sumisikip ang dibdib ko buti na lang gabi na at tulog na si Daddy kaya hindi niya ako nakikita hindi rin kasi ako makatulog sa bigat ng dibdib ko.

“Ma'am.” Nag angat ako ng tingin ng marinig ko ang boses sa tapat ko.

Nakita ko si lumeng doon.

Pilit na ngiti ang ginawad ko sa kanya ng tumingin ako dito.

“May nag hahanap po sa inyo sa labas.” Magalang na sabi nito.

Nangunot ang noo ko, sinong maghahanap sa akin ng ganitong oras pasado alas onse na ng gabi.

Huminga ako ng malalim bago tumango tango. “Ahm, ako ng bahala sige na mag pahinga ka na.” I said.

Ngumiti si lumeng sa akin bago nag paalam na magpapahinga na siya.

Tumayo ako sa pag kaka upo at pinuntahan ang main door binuksan ko iyon madilim sa labas kumukulog at nakikita kong may kidlat kidlat mukhang uulan.

Agad kong tinahak ang malaking gate nakita ko si Roger sa guard house nang makita ako nito lumabas iyon sa loob.

His Secret (De Silva Series #5) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon