Kabanata 7

2.4K 61 4
                                    

NATIGILAN ako sa sinabi nito sabi ko na nga ba walang patutunguhan ang pagpapapasok ko dito sa bahay.

At kala naman niya hahayaan ko ulit siya na manduhan ako hindi na ako makakapayag.

Bumagsik ang mukha ko.
"As if i let you ruined my life again! This time i wont let you destroyed my life again,"

Hindi ko alam kong saan nang galing ang mga lumalabas sa bunganga ko basta ang gusto ko sagutin ito,

Ngumisi ito sa akin.
"So sumasagot ka na ngayon?"

Lumawak pa lalo ang ngisi nito ng makita nito ang pag iwas ko ng tingin.
"You know what i hate you." Mahina ngunit dinig na dinig ko.

Hindi ko na naman maiwasang hindi masaktan alam ko naman mula noon pa na ayaw sa akin ni Theo na maging parte ng pamilya na binuo ni Mommy at Renz De silva.

"Why Summer? Why you hate me that much! You don't know nothing but." Nag iwas ito ng tingin, may gusto itong sabihin na hindi niya magawa.

Malalim akong napabuntong hininga,
"Walang patutunguhan ang usapang ito." Umiling iling ako "Leave."

Nakita kong tumango tango si Theo bago namulsa sa suot na denim jeans.
"You're right walang patutunguhan to." mapait itong ngumiti.

Bago pumihit patalikod. "Lock the door when i leave." Walang emosyon niyang sabi

Nagpakawala ako ng buntong hininga ng lumabas na ito sa bahay ko nagmamadali naman akong tinungo ang pintuan at sinarado.

Napahawak ako sa dibdib ko ramdam ko ang mabilis nitong pintig dala ng pinaghalong emosyon ko.
"I think i need to get out of this house."

"BABE the food is ready." Umangat ang tingin ni Raymond sa akin ng magsalita ako.

Tumigil ito sa pag t-type sa laptop at hinarap ako.
"Later babe. I have to finish this." Sabi nito bago tumingin ulit sa laptop at hinilot ang bridge ng ilong.

Ngumuso ako bago umupo sa gili ng swivel chair nito at niyakap sa batok ito.
"Babe please, kanina ka pa dyan." Nagtatampo ang boses na ani ko dito.

Naramdaman ko ang malalim nitong pag buntong hininga bago ako nilingon at may kaunting ngiti sa labi pero di natatago sa mga mata nito ang puyat at pagka stress dahil sa trabaho.

"Sorry babe," He said.

I smiled back.
"It's okay, but please eat with me magtatampo na ako sayo." Bahagya kong nag pout ng labi narinig ko ang mahinang tawa ni Raymond bago ko naramdaman ang paglapat ng labi nito sa akin.
"Halika na." He said at pinangko ako nito papunta sa komedor.

Nakasabit ang dalawang braso ko sa leeg nito habang pangko pangko ako nito pababa sa hagdan.

"Thank you for staying here." Raymond said to me, habang pinaghila ako nito ng upuan gamit ang paa nito bago ako ideposito doon sa silya.

"Walang anuman," Nakangiting saad ko.

Kinuha ko ang kanin at binigyan ito sa plato.
"Four days ka ng nandito babe, wala kabang trabaho?" He said, bago nito tusukin ang hotdog at ilagay sa plato niya.

Lumikot ang mga mata ko sa tanong nito. "Naka leave ako babe." I lied.

Apat na araw na kasi akong nandito sa bahay ni Raymond matapos ang nangyari ng gabing iyon umalis ako doon sa bahay ayoko munang makita si Theo gusto kong iwasan siya ayoko din kasi ng away, kaya ayaw kong ipaalam kay Raymond ang dahilan kong bakit ako nandito hindi naman magugustuhan ni Raymond ang sabihin kong iniiwasan ko ang kapatid ko baka anong isipin nit ayokong dumagdag sa problema ni Raymond.

His Secret (De Silva Series #5) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon