kabanata 12

1.6K 52 3
                                    

MASAKIT ang mga mata ko ng mag mulat ako ng mata nakaramdam agad ako ng sakit sa ulo dahil sa magdamag akong nag iiniyak napatingin ako sa cellphone ko ng mag ring ito.

Naiiyak ako ng makita ko ang pangalan ni Raymond sa Screen.

Katulad ng nagdaang magdamag hinayaan ko ulit iyon mamatay napahilamos ako sa mukha ko saka bumangon sa kama muntikan na akong matumba kaya napa hawak ako sa night stand.

Ilang beses bang tumawag si Raymond kagabe hindi ko mabilang narinig ko itong sumisigaw at tinatawag ako sa labas pero hindi ko iyon pinansin.

"I-I'm sorry." Malat ang boses said mag damag na kaiiyak pinagmamasdan ko ang picture namin ni Raymond nakangiti ito habang naka yakap sa akin.

Sa huli sunod sunod na pumatak ang luha sa mga mata ko hindi ko alam kong paano at bakit nangyari iyon nagtaksil ako kay Raymond nagtaksil ako sa lalaking umiintindi at nag mamahal sa akin.

Ang daming gumugulo sa isip ko naalala ko si Mommy paano kung malaman ni Mommy iyon ano ang gagawin ko tiyak na masasaktan si Mommy, gusto kong i-untog ang ulo ko anong pumasok sa utak ko at nag patanggay ako kay Theo. anong pumasok sa utak ko at nagawa ko iyon.

Nanlalanta akong bumangon at iinom sana ng tubig ng makita kong wala na palang laman yung pitsel kong iniakyat dito.

Wala akong choice kong hindi bumaba at kumuha ng tubig sa pagkakatayo ko nakaramdam ako ng hilo nandilim yung paningin ko.

Mariin kong ipinikit ang mata ko buong mag damag akong nag iniyak wala akong masyadong tulog kaya ganito ang pakiramdam ko.

Napaka tahimik ng sala ng maka baba ako agad kong tinungo ang refrigerator at binuksan ko iyon at kumuha ng maiinom.

Paakyat na ako ng biglang bumukas ang pintuan ko agad akong napa singhap ng pumasok sa loob si Theo seryoso ang mukha nito na nakatingin sa akin hindi ako makagalaw sa pagkakatayo lalo na ng magsimula itong humakbang papunta sa kinatatayuan ko.

Salubong ang kilay nito ng huminto sa harapan ko nahigit ko ang hininga ko ng tumaas ang kamay nito at hinawi ang buhok ko.

“Breath Summer.” He said in a deep tone.

Napalunok ako bago napa pikit ng magmulat ako ng mga mata ay sumalubong ang galit nitong mga  mata sa akin.

Pilit kong pinatatag ang mukha ko sa kaharap ko. “W-what a-are you doing here, T-theo.”

“You left me, at hindi mo sinabing uuwi ka ng manila. ano sa tingin mo ang ginagawa ko dito?”  Mariing aniya nito sa akin.

Nang makahuma ako ay bahagya akong umatras tumama sa likod ko ang refrigerator tanda ng wala na akong aatrasan ng makita ni Theo ang pag atras ko ay humakbang din ito.

“You can't run this time Summer.”

Kahit nanghihina ako sa klase ng tingin nito sa akin ay huminga ako ng malalim bago alisin ang kong anong namumuo sa dibdib ko.

“Baliw kana ba? A-ano sa tingin mo itong ginagawa mo!”  Tinapangan ko ang boses ko ayokong magpatalo ng nararamdaman ko.

Gumalaw ang panga nito tanda ng nagpipigil ng galit sinamantala ko ang hindi pag galaw nito sa harapan ko at pumihit ako pahakbang i need to get away from him hindi ko matagalan kong nasa harapan ko pa siya pero bago ako makawala ay mariin akong hinawakan nito sa kamay napatigil ako doon at hinarap ito.

“L-let me go Theo!”

He smirked. “I won't let you.” Matigas na ingles nito sa akin.

Biglang nag init ang mga mata ko sa sinabi nito hindi ko napigilan ang pag labas ng luha sa mga mata ko napa pagod na ako maling mali ito.

Sa nanlalabo kong mata ay nakita kong natigilan si Theo sa harapan ko naka awang ang mapupulang labi nito at naguguluhan sa pag hikbi ko nabitawan nito ang hawak na kamay ko.

“N-napa pagod na ako, p-please stop this.” I buried my face into my palms. lahat ng iniisip ko kagabi ay bumalik sa akin ang daming paano sa utak ko muntikan ng may mangyari sa amin at muntikan na akong magpatanggay.

“P-pwede bang layuan mo na ako.”

“Sorry but this time I won't let you run away from me.” Walang emosyong saad nito bago tumalikod sa akin at umakyat sa itaas.

Sa sumunod na araw ay hindi pa rin ako sanay na nandito si Theo sa apartment ko pinapa alis ko ito ngunit sadyang matigas ang ulo minsan gusto kong lumipat sa condo kahit anong paki usap ko na layuan ako ay hindi nito ginagawa bagkus tumawag pa ito kay Mommy at sinabi na nakikitira siya sa akin tumawag si Mommy sa akin ng gabing iyon at masayang masaya daw siya dahil mukhang nagkaka sundo kami hindi ko kayang sabihin kay Mommy na ayaw kong nandito si Theo ayoko kasing masira yung kasiyahan sa boses niya madalang na rin ang pagtawag ni Raymond sa akin huling paalam nito sa akin at may aasikasuhing business hindi na ako nag reply sa text niya sa akin pero walang araw na hindi ako nakakatanggal ng text sa kanya umaga tanghale at gabe tumatawa din ito kaso hindi ko sinasagot hindi pa kami nag uusap simula nang iwan ko ito sa Resto.

“Let me handle that.” Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses ni Theo sa likuran ko tanghali ng naghuhugas ako ng pinagkainan namin.

Tinignan ko ito bago huminga ng malalim ayaw kong makipag talo napapagod akong makipag away sa kanya wala ring naman patutunguhan hindi ito nakikinig sa akin.

Tumalikod ulit ako.
“Babanlawan na lang ito.” Masungit kong saad.

Pero bago ako magpa tuloy sa ginagawa ay napasinghap ako ng naramdaman ko hininga ni Theo sa leeg ko naka bun ako na pataas.
“W-what are you doing Theo!” Nauutal kong sigaw dito.

Napapikit ako ng narinig ko ang pag lunok nito sa tenga ko kiniliti nito ang sikmura ko tuloy tuloy iyon hanggang naramdaman ko ang labi nito doon panaka nakang hinahalikan ako nito doon tila inaakit ako nito mas lalo akong napapikit sa ginawa nito doon,

I heard him chuckled.

Halos sabunutan ko ang sarili ko ng makahuma ako galit ko itong hinarap naka pamulsa ito sa suot na cargo short niya at wala itong damit pang itaas!

“L-lumayas ka dito!” Sabi ko.

Nakita kong ngumisi ito sa sinabi ko
“Sasabihin ko iyan kay Mom,” Nanlaki ang mga mata ko doon.

Dumilim ang mga mata nito. “At sasabihin ko yung nangyari sa tree house.”

Mas lalo akong kinabahan hindi pwede! Hindi pwedeng may maka alam at lalong Hindi pwedeng sabihin ni Theo kay mommy iyon.

“Tama! Tatawagan ko si Mommy sasabihin ko sa kanya yung nangyari sa tree house!” Nakakaloko itong ngumisi sa akin bago tumalikod at umakyat sa taas ng bahay.

Nanlalaki ang mga mata kong sinundan ito sa itaas mapapatay ko ito
“Theo!” Sigaw ko.

Nakasarado ng pintuan nito kaya binuksan ko pag bukas ko ay hinanap ko agad ito wala ito sa silid niya pumasok ako doon hinagilap ang cellphone niya pero bigla itong lumabas sa pintuan patungo sa CR nito doon nakatapi ng tuwalya ang pang ibabang katawan nito.

Nanlaki ang mata ko parang napako ako sa kinatatayuan ko ganun din siya hindi niya siguro inisip na susundan ko siya dito sa silid tulugan niya.

Nang hunakbang ito palapit sa akin ay saka ako natauhan nag iwas ako ng tingin.
“H-huwag mong tawagan si Mom,” Nag iisip pa ako ng sasabihin ko.

“Hindi ko tatawagan si Mommy, basta huwag mo akong pa-aalisin dito.” Sabi nito ng maka lapit sa akin.

Lumunok ako bago pumihit patalikod.
“Ikaw ang magbabayad ng renta dito, wala ng libre sa ngayon.”  Sabi ko bago nilisan ang silid nito.


©IRITHELL

His Secret (De Silva Series #5) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon