Wakas

3.3K 80 18
                                    

I hate her.

I hate Summer Dela Cruz, bata pa lang ako alam kong ampon siya ni Mom isang araw narinig kong nag kwe kwentuhan si Mommy at si Tita Sophia pinag kwe kwentuhan nila kung paano napunta kay Mommy si Summer, narinig kong isang araw daw sa California sa Sacramento nakita niya sa labas ng restaurants niya ang isang batang nakalagay sa basket nang makita ni Mom iyon ay ganon na lang daw ang saya na lumukob sa puso niya, nagkaroon si Mommy ng miscarriage kaya, nang makita niya ang baby ay inampon niya ito at pinangalanan Summer.

Doon tumindi ang galit ko sa kanya hindi sa isip ko lumulukob ang pang aagaw niya sa magulang ko lalo na sa atensyon ni Mommy, mahal siya ni Mom, maski si Dad.

Nang mag binata na ako nakikita ko siyang hinatid sa Villa ng kaklase niyang alam kong Anak ng gobernador taga kabilang Villa ito.

“Thank you sa paghatid.” Summer said in a thankful tone.

Napa iling ako, habang naka kuyom ang kamao sa suot na cargo short.

Past eight na ng gabi, ano sa tingin nila ang ginagawa nila, saan sila nag punta? At bakit ko siya inaantay!

Nakita ko kung paano Ngumiti ang mata ng lalaking iyon habang nahihiyang nagkamot ng batok.

Asshole!

“Ahm, you're welcome.” Nakita kong namula ang pisngi nito,

Hindi ko alam pero gumapang ang galit sa dibdib ko, ano bang kinaka galit ko!

“Ahm, sige papasok na ako.” Summer said politely.

“Ahm, sige, kita na lang tayo sa school bukas.”

Nakita kong tumalikod ang lalaki kay Summer at mabibigat ang paa na nagtungo sa suv na nakaparada sa labas ng mansyon namin.

Nakita ko kung paano kumaway si Summer sa lalaking nakasakay sa suv.

Nang maka alis na iyon lumabas ako sa pinagtataguan ko sakto naman na papasok na si Summer sa mansyon.

Malalaki ang hakbang kong nagtungo sa kanya at hinawakan ang kamay niya natigilan ito sa paglalakad at humarap sa akin kita ko ang pag rasaga ng takot sa mata niya pero sandali lang iyon.

Dapat lang matakot ka!

“L...let go of me T..theo!” He hisses almost whispering.

“Where had you been?” Mariin kong tanong sa kanya.

Kita ko ang paglikot ng mata niya Tila nag hahanap ng kakampi, she always like that.

Bigo ang mata nitong Ibinaba iyon sa paanan ko.
“T...theo, ano na naman ito? Legal age na ako, I'm eighteen years old for fuck sake!”  Lumakas ang boses niya sa huling banggit.

Dito ako lalong nang gigil, porket eighteen na gagabihin na sa pag uwi, ganon ba iyon?

Lalong humigpit ang hawak ko sa kamay niya kita ko ang pag buka ng labi niya sa hindi maipaliwanag na dahilan napapaso kong binitawan iyon, bigla akong nakaramdam ng init na hindi ko alam kung saan nag mula.

Nakita kong hinihimas ni Summer ang nasaktang kamay.

Kita ko ang pag uulap ng mata niya.

“B...bakit ka ba ganito? Nakaka sakit kana.” Garalgal niyang sabi sa akin tumulo ang luha sa mata niya.

Dapat masaya ako pero bakit ganito naninikip ang dibdib ko pag nakikita ko siyang umiiyak.

What was that?!

Hindi ko kayang makita siya kaya tumalikod ako at nag mamadaling umakyat sa silid ko ng nakapasok ako doon napa salampak ako sa sahig, anong nangyayari sa akin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Secret (De Silva Series #5) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon