Kabanata 30

1.5K 44 5
                                    



Nilagok ko ang alak na hawak ko, nakikipag usap si Kathy sa kaibigan niya nakita niya iyon kanina ngayon nasa tabi na ito ng babae at kausap ito tahimik si Bryle sa upuan niya habang gumagala ang mata, si Aidan naman busy sa telepono, may ka text a’ta nakikita kong umiiling na tumatawa ang loko.

Napa tingin ako kay Bryle ng biglang tumayo ito.

“Ariyah!” Malakas na sigaw niya.

Nangunot ang noo ko sinundan ko ng tingin ang tinitigan niya.

Nakita kong humihingal at takot na takot itong lumapit sa table namin.

What is she doing here!

Kay Bryle siya lumapit hinawakan niya ang kamay ng kapatid maging si Aidan na busy sa Telepono nito ay naka kunot ang noong nakatingin dito.

“K..kuya, tulungan mo si Summer doon, binabastos ng lalaki.” Nanginginig na sabi nito.

Natigilan ako sa narinig si Summer! Nandito siya? nakita kong agad na tumayo si Aidan at sinundan si Ariyah tumayo din si Bryle, hindi ako makagalaw sa kina uupuan nandito si Summer! biglang bumilis ang tibok ng puso ko agad akong tumayo at sinundan sila tinawag ako ni Kathy pero hindi ko na siya pinansin.




Nagulat ako ng biglang may kamaong dumapo sa pisngi ng manyak na lalaki nabitawan niya ako agad akong niyakap ni Ariyah, yumakap pabalik sa kanya sa tulong ng ilaw na patay sindi nakita ko kung sino ang lalaking naka patong sa lalaking bumagsak nanlaki ang mata ko ng makita ko si Aidan na naka patong doon at sinusuntok ang lalaki. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ngayon ko lang nakita na bayolente ang kapatid ko, alam kong na papa away siya pero ngayon ko lang siyang nakita na ganito pulang pula ang mukha niya habang nag lalabasan sa galit ang ugat sa leeg niya.

“You son of a bitch!” Sigaw nito habang sinusuntok ang lalaki.

Naka hinga lang ako ng maluwag ng biglang dumating ang dalawang bouncer inawat nila si Aidan kaso di nila na awat kaya binuhat nila ang kapatid ko sa ibabaw ng lalaki.

“You asshole! Let me go! I’m going to kill that bastard!” Galit na sigaw nito.

Agad akong bumitaw kay Ariyah, taas baba sa galit ang dibdib ni Aidan.

Nakita ko ai Bryle na walang paki alam na nakatingin sa lalaking binuhat ng dalawang bouncer dahil hindi ito makatayo, siguro dahil sa bugbug na natamo kay Aidan.

Nilingon ako nito natigilan ako nakita ko ang kaninang mukha niyang galit ay biglang umamo inisang hakbang niya ang pagitan namin at mahigpit akong niyakap hinalikan niya ako sa ulo doon bumuhos ang luha ko,

Hinagod hagod niya ang likod ko. “Shh, okay na wala na.” Malumanay na alo niya sa akin.

Tumigil ako sa pag iyak at humiwalay sa kanya ngumiti siya sa akin. “Halika na, doon tayo sa table namin.” Sabi niya sa akin.

Hinapit niya ako sa kanya para akong ang bunso sa main dahil sa tangkad ni Aidan hanggang leeg lang ako ng lalaki.

Umangat ang kamay ko sa bewang niya habang ang kamay nito ay nasa balikat ko pumihit siya paharap natigilan ako ng makita ko si Theo, madilim ang mata niyang nakatingin sa akin habang gumagalaw ang panga.

Napalunok ako sa klase ng tingin niya.

“Don't mind him.” narinig kong bulong ni Aidan sa akin.

Kinakabahan akong tumango,

Humigpit ang hawak ko sa bewang ni Aidan nag simula na itong humakbang, hinakbang ko nag nanginginig kong tuhod. Nilagpasan namin si Theo naramdaman ko ang pag sunod ni Bryle at Airyah sa amin.

His Secret (De Silva Series #5) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon