BATA palang ako mulat na ako sa totoong pag kakakilanlan ko isa akong ampon, inampon ng mabuting babae minahal at tinuring na anak ni Stephanie Dela Cruz - De Silva.
Sabi ni Mommy nakita niya ako sa labas ng restaurant na pag mamay ari niya sa Sacramento California masaya naman ang buhay ko ni lahit kailan hindi pinadama ni Mom na hindi niya ako tunay na anak akala ko dati si Daddy Nicco ang nakakatuluyan ni Mom lagi ko kasing dinadasal noong bata ako na sana sila na lang hindi naman lingid sa kaalaman ko na magkaibigan lang si Monmy at Daddy Nicco na hanggang doon lang sila bale ang concerned nila ay ako kaya kahit isang minuto ng pag kabata ko hindi ko na raramdaman na hindi nila ako minahal pero lahat ng iyon ay nasira ng dumating si Renz De Silva.
Limang taong ako ng makilala ko si Renz De Silva, basta isang araw dumating siya sa bahay namin sa Sacramento doon ko unang nakita ang Mommy na umiiyak kinagabihan lagi akong nag aalala kay Mommy pag nakikita ko siyang umiiyak, kaya noong sinabi niya sa akin na mag papakasal sila ng lalaking iyon nasiyahan ako pero may lungkot dahil kay Daddy Nicco alam kong mahal ni Daddy Nicco si Mommy,
Kaya't nang umuwi kami ng pilipinas at nag pakasal sila hindi ko na nakita si Daddy Nicco bumibisita lang siya pag may business siyang ina-atendan dito sa pilipinas.
Mahal ako ni Daddy Renz ramdam ko iyon ni kahit kailan hindi ko naramdaman na hindi niya ako mahal hanggang sa bumuo sila ng pamilya nag buntis si Mommy pinanganak niya si Theo James ang kapatid kong hindi ko alam kong ano ang galit sa akin.
“Mom.” Tawag ko kay mommy na naka upo sa sofa dito sa living room abala ito sa lambingan nila ni Dad sabay na lumingon sa akin si Stephanie DeSilva at Renz DeSilva.
Nakangiti itong tumayo sa pag kakaupo sa sofa nakita ko pa ang pag kurot ni Daddy sa pwetan ni mommy na kina-iling ko.
“Where are you going?” She asked me with a smile on her face.
Bumuntong hininga ako at ngumiti dito.
“I’m going out.”Tumaas ang kilay nito sa akin.
“With whom?” Nakita kong gumuhit ang ngisi sa labi niya na kina iling ko“My friend, Ella.” I said in a bored tone.
She shooked her head
“I thought your boyfriend.” She said and chuckled.“I don’t have a boyfriend mom.” Depensang sabi ko dito baka kasi mamaya marinig ng kapatid ko.
Speaking of the devil.
Nakita ko itong bumababa ng hagdan naka gray na sando ito na hapit sa katawan niya at naka cargo short.
“Where are you going?” Sabi nito sa malalim na boses.
He looked at me from head to toe.
Napalunok ako ng laway sa klase ng titig nito.
“Theo, leave your sister alone. Okay, she’s already twenty eight for god sake!” Our Mom yelled at him, mukhang alam na ni Mommy ang mang yayari
Nakita ko ang pag tayo ni Daddy sa pagkaka upo na pinag pasalamat ko.
“Your Mom is right theo, tatandang dalaga sayo ang kapatid mo. Kahit kelan di'ko pa nakikita na may ipinakikilala siya ditong lalaki sa bahay.” Pangaral na sabi nito sa kapatid ko na ngayon ay nasa harapan na namin.Nakita ko na sumama ang tingin nito sa akin.
“She’s not my sister.” He said in a deep voice.Nanikip bigla ang dibdib ko naramdaman kong natiyo ang lalamunan ko nag init ang pisngi sa pagkapa hiya kasabay noon ang pag bigat ng hininga ko bakit ba hanggang ngayon ay hindi matanggap nito na mag kapatid kami oo alam kong inampon lang ako pero kahit kelan hindi pinaramdam iyon ni mommy ng mag isa palang siya hanggang sa dumating si Daddy Renz at mag ka anak sila kahit kelan hindi ko naramdaman na tanggap niya ako na pamilya ang tingin niya sa akin.
BINABASA MO ANG
His Secret (De Silva Series #5) Complete
General FictionR/18 Theo James DeSilva - R/18 THEO JAMES DE SILVA "Are you out of your mind!" He hissed at me with disbelief on his face. I looked at him with no emotion in my face. "Yeah." I took a deep breath. "She is your sister!" He hissed again. Sister? "we...