Kabanata 29

1.3K 40 2
                                    

Pumasok kami ni Bryle sa isang Restaurant dito sa makati, tamang tama naman na pag punta ko sa office niya ay pauwi na siya, bilib din ako sa isang ito halos apat na oras ang byahe papuntang Hacienda pero ito siya, at uuwi sa kanila napa iling na lang ako sa na isip, siguro kung ako rin talagang uuwi ako lalo na kung nag aantay ang asawa at anak ko sa akin marahas kong pinalig ang ulo ko, what the hell am i thinking! Agad kong sinundan si Bryle, umupo ito sa malapit sa glass wall, napatingin ako sa paligid buti na lang at walang masyadong tao dito.

Umupo ako sa kabilang side magka harap kami nakatalikod ako sa entrada ng Restaurant, kinuha ni Bryle ang menu ganoon din ang ginawa ko may lumapit sa amin na waiter sinabi namin yung order namin ng umalis ang waiter ay tumayo si Bryle nag paalam na mag babawas,

Agad namang nakabalik si Bryle sa table namin walang emosyon ang mukha niyang umupo doon,

“What the real score between you and Kathy?” Nangunot ang noo kong tumingin sa kanya.

Mataman siyang nakatingin sa akin, i let out a deep sigh. “Well, I think I like her.” Pag amin ko, siguro na a-atract ako sa kanya, kasi kaka iba siya sa lahat ng bootycall ko, siya lang ang walang paki alam pag gusto kong umalis pinapa alalahan pa akong mag ingat sa pag mamaneho.

Nakita kong ngumisi si Bryle. “I like her for you.” Sabi nito, napatingin ako sa kanya, mahirap maka sundo si Bryle bilang lang ang taong pinag kakatiwalaan niya sabi ni Dad, para daw na magkapatid kami dahil pareho lang ang ugali namin nito.

Kunot noo kong tinitigan si Bryle, ngayon kasi nakatulala siyang nakatingin sa likuran ko, what the hell is happening to him, kanina lang pangiti ngiti at ngisi ngisi siya ngayon parang nakakita ng multo,

“Hey.” Tawag pansin ko sa kanya.

Dahan dahan siyang tumingin sa akin, kita ko ang pagtangis ng bagang niya na lalong nagpa kunot ng noo ko.

Wala sa sariling napatingin ako sa likuran ko, yung kunot noo kong noo ay nag isang linya nalaglag ang panga ko bumaha ang gulat sa mukha ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko,

Tama ba ang nakikita ko si Summer nandito sa harapan ko.

Tinikom ko ang bibig ko kinalma ko ang sarili ko hindi pwedeng mag pa apekto pa ako sa kanya, ilang taon ang nag daan pero naaapektuhan pa rin ako sa kanya agad kong naisip yung nangyari ilang taon ang lumipas yung kaninang bilis ng tibok ng puso, biglang nanikip.

Parang hangin siyang dumaan sa table namin nakita kong nagpa kawala siya ng buntong hininga at may pinulot sa table ng inangat niya iyon nakita kong cellphone, siguro naiwan niya, wait, dito siya galing kanina?

Agad niyang inilagay iyon sa sling bag pinagmamasdan ko siya.

Agad kong inalis ang pakiramdam na gustong humaplos sa puso ko.

Nag angat siya ng mukha saktong napatingin siya sa akin nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya, pinilit kong maging seryoso, na hindi niya nakikita ang emosyon na nakatago sa akin, tinignan ko siya ng malamig na mata.

Nakita kong tulala siyang nakatingin sa akin para akong tinadyakan ng makita ko ang pag ulap ng mata niya, pero agad ko iyong sinaway anong iniiyak niya? Para saan iyon! Gusto kong tanungin, rinig ko ang marahas na mura ni Bryle na mahina.

Nakita kong nag iwas siya ng tingin at saka pinunasan ang mata humakbang siya nag mamadaling dinaanan kami ni Bryle.

Tulala akong nakatingin sa pinag alisan niya, parang pinukpok ang dibdib ko, she left me again, marahas akong napa buntong hininga tumayo ako at malalaki ang hakbang na lumakad palabas iniwan ko si Bryle doon na tinatawag ako hindi ko siya nilingon.

His Secret (De Silva Series #5) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon