Dedicated to: domochua9"Uy si Kiss! Gondoh! Umaawra Oh! Taray! I love you kiss! Weeeewwwit! Puwede bang pa kiss naman? Isa lang!" a ng isa sa mga kumag na bully ng school. Sinundan iyon ng mga nakakapikon nilang tawanan. Ganoon pa man, sanayan lang 'yan. Kasama talaga sa paglaki ang mga asungot sa paligid na palaging natutulog sa pansitan kaya walang ibang natutunan kun'di ang kayan kayanan ang mga mas mahina sa kanila. Unfortunately, ako ay isa sa mga mahihinang kinakaya kaya nila. Sad life.
Paborito ako ng mga 'yan gawing laughing stock I know but I don't effing care. Issue naman nila sa akin 'yon eh, hindi ko issue so wala akong pakialam —sila lang ang may problema. They're just tones of shits and eff'ng pain in the ass. Walang espesyal. Mapapansin mo nga lang sila kasi may bunganga sila. Maiingay at mga madadang nilangan. Hindi dapat talaga sila biniyayaan ng bibig eh.
Palagi silang nakatambay doon sa may bukana ng pasukan few steps from guards' house. Paborito nila diyan at panay mga nakaupo na parang mga tambay sa kanto. Ewan ko ba sa mga 'yan. Ako yata ang bumubuo sa araw nila and I'm proud. Sikat nga eh. Sana lang ay makarma sila.
Naglakad ako papuntang Lab dahil duon ang first perioud ko pero gaya ng iba at mga pangkaraniwang mga araw, nariyan na naman sila at walang ka sawa-sawa sa pam-bu-bully sa akin kapagnakita nila akong pakalat-kalat sa daan o sa kahit saan.
Sinundan ng malalakas na tudyuan at nakakalokong sipulan ang narinig kong mga samu't saring pangangantiyaw. Normal na pangyayari sa buhay ko 'yan araw-araw. Nakayuko lang ako at naglalakad. Feeling ko, wala akong karapatan na maglakad ng nakataas ang noo dahil ayon sa kanila ay pangit daw ako. Sus, mga sinungaling. For their information, maganda ako. 'Yan ang sabi ng nanay ko.
Gaya sa mga karaniwang teenage problem, lalo na ng mga gaya kong Nerd, 'di ako marunong mag-ayos. Aminado ako pero ano bang magagawa ko? Sa ganitong itsura ako kuntento at komportable. At anong tiis ganda ang sinasabi nila? Ayo'ko. Sa word na 'tiis' palang ayo'ko na agad. And what's their problem about my attire? Mas inuuna pa nilang problemahin ang kagandahan ko kesa ang problemahin ang mga grades nilang puros flat five? People this days.
Naiintriga na ba kayo sa itsura ko? I already said na Nerd ako. Pero ako na yata ang pinakamagandang nerd sa balat ng sansinukob. Bukod sa given na makapal na salamin sa mata dahil sa halos bulag kong grado, braces sa ngipin, kulot na buhok at bangs na nagpapakulot din sa utak ko, at ang maganda kong mukha na may makakapal na kilay at straight na pilik mata na sumasagi na sa lente ng salamin ko sa haba nito. Para daw akong buhay na balbas my gahd. Hiya naman ako sa mga itsura nila.
Actually nalilito nga ako. Sabi kasi ni mama at papa, maganda daw ako. Hindi lang daw ako nag-aayos kaya hindi nakikita ng lahat na maganda ako. Pero sa inaraw-araw kong nananalamin, hindi ko talaga maalis ang paniniwala ko na panget naman talaga ako. Mas madali kasing paniwalaan ang obvious sa sinasabi lang. 'Di ba? At sa katunayan, I am a loyal member of NBSB society dahil lahat na yata ng mga lalake, ayaw tingnan ang mukha ko dahil siguro na aalibad-baran sila sa akin. Ang eengot nila kasi. Mas gusto pa nila ang mga babaeng maganda nga, wala namang laman ang utak.
"Seriously? Hahalikan ni'yo 'yan? Gusto niyo bang mahawa sa sumapa?" a nito sabay sinundan ng mga nakaka loko at nakaka yamot na tawanan. Kailan kaya nila ako titigilan? Siguro pag-graduate na ako. 'Huwag asadora Kiss. Favorite ka ng mga 'yan. Hintayin mong makagraduate ka,' bulong ng isang bahagi ng isip ko. Kung bakit kasi pangalan ko lang ang maganda sa akin eh.
"Hoy, gusto niyong sumaydlayn ako sa mga nanay niyo para magtutor sa inyo? Okay lang sa 'kin. Nakakaawa naman kasi sila. Hindi nila alam na ang mga anak nila ay palaging bagsak sa short at long quiz. Oh, hindi ko na isinali ang periodical. Siguro sasabihin ko na lang 'yan kapag kausap ko na sila," - inis kong sabi sabay martsa ng mabilis. Lakas ng loob nila. Akala nila siguro hindi ko alam ang mga kabalbalan nila. Kagandahan at kaguwapuhan lang ang meron sila. Hindi sila niyan mapapakain pagdating ng araw..
BINABASA MO ANG
█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ ®™ I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING @All Rights Reserved 2014
Werewolf@All Rights Reserved 2014 Paano kung bukas paggising mo, nasa ibang mundo ka na? Isang mundong hindi mo kinagisnan at hindi mo kailan man naisip na nag-e-exist pala. At ang twist pa, ang pinaniniwalaan mo buong buhay mo na isa kang tao, ay isa naman...