IIWTAK.14

10.1K 289 5
                                    


Edited.

Maaga pa lang, maririnig na ang musika na sini-set-up ng grupo ng mga taong lobo. Mga Designer sila ng palasyo and my gulay na ginisa sa sibuyas at kamatis, akala ko sa movie ko lang mapapanood ang mga ganitong senaryo. Ang kaibahan nga lang, palasyo at makabagong panahon ang atmospera dito.

Shock na shock pa ako dahil hindi man lang sinabi ni Beta Ivo na ngayon din pala gaganapin ang Seremonya ng Pag-iisang dugo namin ng sanggang dikit niyang supladong lobo na 'yon.

And I can't believe wala akong magawa kundi ang magpadala sa mga nangyayari. Urong ka na Kiss habang puwede pang bawiin.

‘bawal na... Hindi ka puwedeng umurong tonta,’ pakikialam ng wolf ko. Hindi ko siya pinansin.

Nakaka-inis lang dahil 'yung pangarap kong kasal noon pa man ay hindi na yata matutupad. Nakakainis, sana panaginip lang ang lahat ng 'to. Sana... May chance pa. Ikakasal ako na wala ang pamilya ko. Kung sana puwedeng hindi na lang totoo ang lahat ng ito.

Pangarap kong maglakad sa Isle habang suot ang white long wedding gown na may mahabang veil. I wanted that pero, mukhang malabo nang mangyari.

"Magandang araw kamahalan!" bati sa akin ng nilalang na bigla na lang pumasok sa silid kung saan ako iniwan kanina ni Ivo pagbalik namin galing sa pamimili ng Lechugas na Cocktail dress na iyon.

Long black cocktail dress na may hawihanggang singit ang susuotin ko. I wonder kung saan nakatingin si Ivo kanina habang napili kami ng cocktail eh. 'Di joke lang.

Hindi naman siguro masama mangarap. Pero dahil nga nuon, isa akong buhay na bunot, I mean nerd as in Nerd na may makapal na salamin sa mata, makapal na kilay at baduy na get ups, walang mangangahas mag-isip, na ikakasal ako someday. Everyone's expecting me to be forever single. 'Yun bang walang mabubulag na magpakasal sa akin. From then, nangarap na ako ng isang maganda at bonggang kasal pero sa katagalan, naging bitter ako dahil alam ko naman na imposibleng mangyari. Alam ko naman na hindi na uso ang fairy tail. Pero sabi nga nila, libre naman ang mangarap. Iyon nga lang dahil hanggang pangarap na lang ako. Until this day came. Sino ba namang makakapagsabi na si Kiss, isang kilalang panget at mahirap sikmurain masarap sikmuraang nerd noon ay maganda na ngayon, bonus pang ikakasal sa isang napakayamang hari ng mga Alpha, dito sa mundo na lingid sa kaalaman ng mga mortal ay nag-e-exist pala. Ito na naman ako sa 'sana lang, narito at kasama ko ang pamilya ko,' pero nakakalungkot sa part na 'yon kasi wala silang kamalay malay na ikakasal na ako ngayon.

"Magandang araw din sayo," ganting bati ko dito, ngunit halatang walang gana.

"May dinaramdam po ba kayo kamahalan?" nag-aalalang tanong nito sa akin. Bumuntong hininga ako dahil talagang nalulungkot ako.

"Wala naman, wala 'to. Huwag niyo na lang akong pansinin," sabi ko na lang. Ayo'ko lang na lalo pa silang mag-alala. "Ikaw ba ang mag-aayos sa akin?" tanong ko na lang dito para ibahin ang usapan. Pinilit ko na lang walain ang iniisip ko para makondisyon ang sarili. Kahit naman kasi akong gawin ko, hindi na mababago ang lahat. Hindi naman puwedeng makapasok dito ang mga magulang at kapatid ko dahil hindi sila nababagay dito. Siguradong ma-aamoy sila ng mga lobo at malalamang tao sila. Malaking gulo. Bahala na.

"Opo, ako po pala si Wena. Isang malaking karangalan ang mapili ako para ayusan kayo." Yumukod ito sa harap ko. Hindi na lang ako umimik kahit ayo'ko ng may gumagawa noon sa akin. Pakiramdam ko kasi, na-drain na ang lakas ko, kapipigil sa sarili ko na huwag mag-drama. "Talaga po palang napakaganda niyo kahit sa malapitang tingin," flattered na flattered na ako sa kapupuri nila sa akin sa totoo lang. Kung sa mundo ng mga tao, panget ako, dito sinasamba ang kagandahan ko, —chuks. Ang laki naman kasi ng pinagbago ko. Naku, sana may chance ako na maka-uwi sa mundo ng mga tao. Tingnan ko na lang kung ano ang gagawin at sasabihin nila kapagnakita nila na nag-transform into lovely swan ang isang chararat na nerd noon.

█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ ®™ I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING @All Rights Reserved 2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon