IIWTAK.4

13.8K 365 8
                                    


Sabi ng mga tao dito na tinatanong ko, talaga raw may isang buwan na akong natutulog. Nasampal ko ng 'di oras ang noo ko at nanlumo. Isang buwan na pala akong wala sa bahay. Isang buwan na rin siguro akong hinahanap nila mama at papa. Anong gagawin ko? Paano ko sasabihin sa kanilang okay lang ako? Siguradong nag-aalala na sila sa akin.

Kahit naman hindi talaga nila ako anak, kailan man ay hindi nila ipinaramdan na naiiba ako. Na hindi nila ako kadugo.

Kung tutuosin, kung naging tunay lang nila akong anak ay ako talaga ang panganay nila. Noong dalawang taon na silang nagsasama ayon sa kuwento nila sa amin, hindi dae talaga magka-anak dalawa to the point na inaraw araw na ng mga ito ang paggawa ng bata ay wala parin talagang mabuo kahit na anong gawin nila. Pagsunod sa posisyon, kung anu-anong gamot, at ang pagsasayaw sa obando. Lahat ng iyan ay ginawa't sinubukan na nila pero wala talaga. Hanggang isang gabi, kasarapan na sana nang pamamahinga nila, nang makarinig sila nang malalakas na katok. Agad na bumaba si papa pero wala raw itong ibang nakita kundi isang batang naka balot sa tela ng balot na balot at walang suot na baro at lampin.

That's how they found me.

Pero dahil bawal sa batas na basta ka na lang aampon ng isang ababandonadong bata, isinuko nila ako sa DSWD.

Hanggang sa nagkasundo sila na ipaampon ako kina mama at papa since wala talagang nagki-claim sa 'kin at wala rin report na may nawawalan ng anak, nakuha nila ako sa legal na paraan.

After I graduted in ellementary, nakita ko by accident ang legal papers of adoption ko. Kaya kinompronta ko sila at hindi naman nila saken ipinagkait ang totoo. Ang sabi nila, balak daw talaga nila na ipa-safe ang adoption paper ko dahil wala silang balak na ipa-alam saken na hindi sila ang Biological parents ko. Kaso bago pa nila maitago iyon ay nauna ko nang malaman ang totoo.

Aaminin ko na, na lungkot ako at naramdaman ko ang pagiging iba ko sa kanila. But that's only for days. Pagkatapos noon ay naging intact uli kami dahil mas ipinaramdam nila s akin ang pagmamahal ng totoong pamilya. Oo nga pala, kung hindi ni'yo naitatanong ay nagka-anak sila Mama at Papa miraculously, biglang sinabi ng doktor na capable na magbuntis si mama at ayun nga. Dumami kami.

Habang lumalaki ako, nare-realize ko na hindi ni'yo kailangang maging magkadugo para magturingang pamilya. Ang kailangan lang ay pagmamahal at pagpapahalaga na nangagaling sa puso. Miss na miss ko na sila. Sobra. Pero ang mundo ng mga tao, parang hindi ko masyadong miss.

Kaya being here in this place, I mean here in ALABAYA, I don't felt much that I am actually in what they called, "the other side" kase marami ang mga bagay lugar at mga pamilihan dito na kagaya ng sa Mundo ng mga tao.

Don't get me wrong huh. Hindi naman sa tanggap na ng sistema ko na nag-e-exist pala ang ganitong klaseng mundo. Hindi parin ako makapaniwala —infact, naninibago ako kahit na parehas lang naman sa mundo ng mga tao ang lahat. Ang ibig kong sabihin ay ang pagtira dito sa palasyo. Hindi ako sanay na pinagsisilbihan dahil mas sanay ako na ako ang nagsisilbi sa sarili.

At isa pa, hindi talaga ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala pero kasi, nakita ng dalawang mata ko kung paano siya nagpalit-anyo sa harap ko. Mula sa anyong yum...este tao ay naging isa siyang kulay gintong lobo na may asul na mga mata.

Sinasabi rin nilang ako ay werewolf din. At hindi lang basta werewolf ha! Puro daw ang dugo ko at nakatakdang maging Luna. Well, hindi naman mahina ang ulo ko para hindi ko makuha ang ibig nilang sabihin. Akala ko talaga pangalan ang Luna dito sa kanila. Kasi, ang Luna naman talaga, pangalan 'yun 'di ba?

Tsss. Naguguluhan na ako. Makababa na nga lang.

Lumabas ako ng kuwarto na halos kasing laki na ng buong ektarya ng bahay namin sa mundo ng mga tao. Naglakad ako patungo sa ibaba na halos magkanda ligaw pa ako. Lahat yata ng makasalubong kong taga silbi ay pinagtanungan ko na. Nakakagutom na kahit maaga pa. Mabuti na lang, may naghatid sa akin sa kusina.

█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ ®™ I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING @All Rights Reserved 2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon