Edited.
Hanggang ngayon, nasa biyahe pa rin kami at inip na inip na ako.
Kanina, no'ng iwan namin ang palasyo, ipinag-utos ni Rave na bantayang maigi ang palasyo at palibutan ito. Literal na naka-ikot ang mga Gama suot ang kanilang mga kasuotang pandigma. O.A. Bukod pa diyan ay parang nasa Daimos pa ako. Mantakin mong may Ultra Violet Varier sila? Astig no?
Mayamaya, nalungkot na naman ako nang maalala ang mga kapatid at mga magulang ko sa mundo ng mga tao. Kamusta na kaya sila? Ano na kayang ginagawa nila? Pinahahanap parin kaya nila ako o sumuko na sila? Miss na miss ko na sila. Makilala pa kaya nila ako kung sakaling makabalik ako ngayon?
At kung makakabalik ako sa mundo ng mga tao ngayon, paano kaya ako tatanggapin ng mga nakakakilala sa akin, ngayong maganda na ako?
Napabuntong hininga ako... Pero malaki na ang nagbago sa akin. Hindi lang itsura ko kundi pati na rin ang buhay ko. Isa akong she-wolf at hindi isang tao. Kung makakabalik ba ako, magiging katulad parin kaya ng dati ang buhay ko?
Pero gaano nga ba katotoo na ako ay isang werewolf? Yes of course there's Kath inside me. She's not just my conscience kasi nakaka-usap ko siya. She's part of me but definitely not me. We are two different soul sharing in one body. But according to what I know, dapat ang isang she-wolf ay nag-shift na sa edad na Sixteen na kasabay ay first heat. Pero ako, bakit hindi pa?
"Narito na tayo!" Ivo boomed exitedly na siyang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan mula sa malalim na pag-iisip.
Napapitlag ako at awtomatikong luminga-linga sa magandang kinaroroonan namin.
Tahimik dito, sobrang tahimik at nakabibingi. Awtomatikong na langhap ko ang sariwang hangin nang ito'y umihip dahil bukas ang bintana sa tabi ko. Hindi ko mapigilang hangaan ang lahat nang nakikita ko sa sobrang ganda.
"Nasaan tayo?" tanong ko, habang manghang mangha paring nililibot ang tingin sa kabuoan ng lugar. This place is really amazing! Naalala ko tuloy si Betong!
Napasinghap ako nang may humapit bigla sa bewang ko. Si Rave ay nasa tabi ko nga pala. "We're gonna have our honeymoon here since we're just got Daranak ceremony yesterday..." muntik na akong mabulunan sa sarili kong laway sa sinabi niya. Grabe, hindi man lang siya nahiyang sabihin 'yon samantalang... ‘bakit ka pa nagugulat babae? Lalake po ang hari, malamang may karanasan na 'yan sa you know what, gaga!’ ani Kath. Oo nga naman. ‘Sabi ko nga,’ sagot ko na lang. Hindi na ako nakipagtalo sa kanya kasi tama naman siya.
Gulay, pati honeymoon alam nila dito. Talaga bang nasa the other side ako?
"A–ha–honeymoon?" kinakabahan kong sabi. My gulay, 'di ba puwedeng pass muna ako? Why so soon? Ang bata ko pa.
Wala naman nagsabing honeymoon ito eh. Akala ko bakasyon lang talaga kaya go na go ako. Kung alam ko lang na honeymoon pala ito, ‘ano, kung alam mo lang na honeymoon ito ay ano Kiss?’ sopla ni Kath sa akin. ‘hindi ako sasama, bakit? Totoo namang bata pa ako ah?’ sagot ko dito. ‘so bata pa pala ang nineteen kahit puwede nang buntisin?’ gulay! Pasalamat talaga ang Kath na ito at iisa kami.
Lima ang Kasama naming katulong, Apat ang driver, 10 bodyguards na armado, napakaraming bagahe, kasama 'yung Lintang si Lovella, Si Ivo, Ako at Si Rave. Sa dami namin, convoy ang labas namin!
Sige nga kung maisip niyo na Honeymoon ito?!
Na tamaan ng mga mata ko ang rare view mirror at kitang kita ko ang Death glare na ipinupukol ni Lovella sa 'kin.
Problema niya 'te?
‘huwag mong pansinin ang impaktang linta na 'yan. Nagagalit 'yan kase hindi siya ang piniling maging Luna,’ sabi ng sulsulera kong wolf. Pero tama naman siya, mukhang ganoon nga kasi wala naman akong maisip na ibang dahilan para magalit siya sa akin. Wala rin naman akong ginawang masama sa kanya maliban sa hindi ko sinadyang nabangga ko siya noon. Napaka babaw niya naman kung 'yun ang dahilan niya, so I think, may malalim na dahilan o hugot ang galit niya sa akin.
BINABASA MO ANG
█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ ®™ I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING @All Rights Reserved 2014
Manusia Serigala@All Rights Reserved 2014 Paano kung bukas paggising mo, nasa ibang mundo ka na? Isang mundong hindi mo kinagisnan at hindi mo kailan man naisip na nag-e-exist pala. At ang twist pa, ang pinaniniwalaan mo buong buhay mo na isa kang tao, ay isa naman...