IIWTAK.13

10.3K 265 4
                                    


Edited.

Her P.O.V.

"Bakit kailangan mo pang dumating? Dapat hindi nalang... Sana hindi nalang..." pabulong at halos hindi ko marinig na sabi niya. Pero naintindihan ko 'yong huli niyang tinuran. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Bakit ang sakit? Hindi niya ba ginustong dumating ako sa buhay niya?

"A —Alpha..." -- usal ko nang magmulat ako ng mga mata. Ngumiti ako sa kanya para hindi niya malaman na narinig ko ang sinbi niya.

"Gising na, Kakain na tayo ng Hapunan," sabi niya saken. Ngumiti rin siya at nagulat ako.

Hindi ko makakalimutan ang sandaling ito. Habang buhay na yatang tatatak sa isip ko ang senaryong ito, dahil ito ang pinaka-unang beses na nakita ko siyang ngumiti ng ganyan. Mula nang dumating ako dito, puro pagsusuplado yata ang inaatupag niya kapagkaharap ako.

"Sabihin mo, Saan mo dinala ang Alpha? Sino ka?" biro ko sa kanya. Expect ko, pagsusungitan niya ako. Pero hindi... What happens to him? May nakain ba siya kanina habang nasalabas siya kanina?

Ngumiti lang siya at tinulungan akong umupo. "Kakain na tayo, Bangon na..." aww, Shet! Bakita ang sarap ng boses niya sa tenga kapagganyan siya ka hinahon at ka lambing?

Naagaw ng sunod-sunod na katok ang pansin naming dalawa.

Sabay bumaling ang mga ulo namin sa pinto. Nagulat naman daw ako nang pumasok ang isang made na may dalang tray na puro pagkain ang laman.

"Pakilapag na lang dito Aunt," sabi niya sa katulong na naghatid ng tray ng pagkain. Ngayon ko lang talaga nakita ang ganitong side niya at naninibago talaga ako.

Hanggang sa matapos kaming kumain dalawa, sweet na sweet pa rin siya. Napaka weird talaga. Ano bang nakain ng suplado na ito at parang ayaw ko na siyang tawaging suplado? Lihim naman akong napahiling na sana ganito na lang siya palagi.

“Bakit kailangan mo pang dumating? Dapat hindi na lang. Sana hindi na lang.” Bigla naman pumasok sa isip ko 'yung sinabi niya na 'yan. Ang sakit talaga. Bakit ako na aapektuhan? Bakit ang sakit? Oo nga, bakit ako nasasaktan? Hindi naman kaya...

Bakit niya na sabi ang mga iyon?
Sana hindi na lang ako dumating?

‘Huwag kang papa-apekto sa sinabi niya, Makinig ka, Kailangan natin siya. At kailangan niya tayo gaya nang kung gaano natin siya kailangan.’ sabi ni Kath. ‘Weh? 'Di nga?' pang-iinis ko dito.

Huminga ako ng malalim at ipinikit na ang aking mga mata hanggang sa tangayin na ako ng antok at tuluyang makatulog..

...

"Gising na Luna, Umaga na!" sabi ng isang boses lalakeng nagpagising sa akin. It wasn't Rave. Narito na siya sa loob ng kuwarto ko at binuksan ang kurtina ng aking silid. At dahil kalat na ang liwanag ng araw sa labas, na silaw naman ako ng konti pero agad akong nakaramdam ng sarap ng pakiramdam...

"Storbo kang ku —beta ka! Kitang natutulog pa ang diyosa!" kunyari kong sigaw sa kanya pero bakas sa akin ang pagbibiro.

"Good morning din Luna! Ganyan ka pala mag-good morning! Parang galing sa mental!" anito sabay hagalpak ng tawa. Tapos ay bigla na lang dumanak ang dugo niya nang tadtarin ko siya ng taga sa leeg, —char. Nahagip ng kamay ko ang mga tropilo at pinagbabato sa kanya lahat. Mayaman ako sa tropilo eh. Ewan ka ba sa mga tagapagsilbi ng palasyo na 'to at pinuno ng maraming unan ang kama ko. Gusto yata nilang malunod ako sa unan.

"Ang sama mo! Ganyan mo ba tratuhin ang Reyna ng lahat ng Luna sa buong Alabaya? Ipapa-salvage kita sa DDS Sqaud bilang kaparusahan!" biro ko. Ang kumag, tumawa lang g tumawa. Kabagin sana siya.

"Oo na kamahalan. Ang galang ko 'di ba? Tumayo ka na diyan at nakakahiya naman sa umaga. Baka lumubog ang araw dahil tulog ka pa. Ang tamad,"  sabi niya. Binulong niya pa 'yung mga huling sinabi niya na akala niya, hindi ko narinig.

Tumayo na ako at bumaba mula sa kama tapos at kinurot ko ang tagilirn niya kaya naman namilipit siya sa sakit habang humahagalpak pa rin ng tawa. Sira talaga.

"Nakakainis..." sabi ko na lang.. "Layas na't maliligo na ako. Baka makita mo'ng mga maskels ko mainggit ka pa. Shu!" Napangit pa ako, bago tuluyang pumasok sa loob ng C.R. Narinig ko pa ang sinabi niya bago ko tuluyang na sara ang pinto..

"Sus! As if. Bansot na may biceps!" T*ngna no'n ah! Mamaya siya sa akin! Lagot siya.

Natutuwa ako... Mukha namang nakakasundo ko ang baliw na iyon..
At si Alpha Rave... Nasaan na nga pala iyon?

****

Pagbaba ko galing kuwarto, nakita ko na si Ivo na naka-abang sa akin sa ibaba ng hagdan at naka-upo sa upuan habang nangangalumbaba sa lamesa. Akala mo naghintay ng ten decades ang puts!

"Ang tagal mo Luna! Grabe ka maligo! Wala naman nagbago!" pang-aasar na naman nito sa akin.

Ilang araw pa nga lang kami magkakilala lumabas na agad 'yung tinatagong ka abnormalan ng lokong ito, hindi man lang nahiya sa 'kin. Grabe.

"Sorry na agad! Next time turuan mo ako ng wisik, 'yung beta Ivo sty sabi ko na binigyan diin ko pa yung word na wisik para pa tama sa kanya..

Inamoy naman daw niya ang sarili niya.. "Hindi naman halata eh... Ang bango ko kaya!" sabi naman niya. Ako naman ang humagalpak ng tawa kaya napakamot lang siya sa ulo niya at ngumisi.

"Kadiri ka Ivo! Pogi ka pa naman pero walag nakaka-alam na dugyot ka!" sabi ko at ang loko, lalo pang tumawa ng tumawa. Enjoy ang baliw eh.

Buong biyahe yata nagtawanan lang kaming dalawa. Para kasing itlog 'yung isa diyan. Kalog masyado.

Tinanong ko din sa kanya kung asan ang Supladong Lobo. Ang sabi lang niya saken, "Naglibot siya at nagpunta sa isa sa mga pinakamalalaking mall at hotel sa kabisera. Bakit? Miss mo na agad?" sabi niya sa 'kin na nang-aasar.

"Shatap! Saan mo ba napulot 'yan? Miss-miss," tanggi ko naman..

Pagdating namin sa isa sa mga mall niya na iba sa mall na una kong napuntahan, kumain muna kaming dalawa. Tapos sumunod na naming pinuntahan ang isang botique na puro coctail dress. Kung 'yun din ang tawag nila dito..

Ayon dito kay Ivo, gagamitin ko daw ang gown sa araw ng pag-iisang dugo.

Sa araw na 'yun, mamarkahan daw ako nito at ganap na itatanghal bilang Luna Queen. Daranak ang tawag nila dito, na sa bersiyon ng mga mortal na tao, ito'y tinatawag na kasal.

"Dapat ang Alpha o kaya ang isa sa mga babae sa palasyo ang kasama mo dito ngayon e. Kaya lang, abala silang lahat." sabi niya.

"Ito bagay ba?" tanong ko na umiikot pa ako to show all angles nung ipasukat niya sa akin ang mga damit na pinili niya para sa akin at ito na ang pinakahuli.

Nangangawit na ako..

"Finally!" sabi niya bigla.

Hala? Seriously? Itim ang wedding gown ko?

Nakaka-iyak.

====××××====××××====××××====

HannaGoBlueJazmine

█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ ®™ I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING @All Rights Reserved 2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon