Edited.
Everything was so perfect. Bukod sa pagkahulog ko sa mundo ng panaginip, sa palagay ko, may isa pang mundo kung saan nahuhulog din ako...
Rave...
Nagising na lang ako sa isang puting-puting lugar na who the hell knows where? Hindi naman ako mukhang nasa Hospital kase napakadami kong nakikitang kumot na iba ang mga kulay. Hindi puti.
Ano ba naman ito? Nasaan na ba ako? Asan na silang lahat?
At bakit mag-isa lang ako?
Sinubukan kong bumangon para tumayo sana pero bago pa ako maka kilos, naramdaman ko na ang shackles na nakakabit sa mga paa ko.
Reality hits my forehead...
Bakit ako nakakadena?
And so, I can only seat. And prior to my wrists na parehas pangmalalaya, wala parin akong other movements na puwede kong gawin.
Lechugas na buhay ito oh! Bakit ba sa lahat ng malas, ako ang suwerte? Ang suwerte kong ma-taon sa kamalasan! Damnation to the eff'ng world! Sagad!
"May tao ba, I mean, werewolves ba diyan?" hiyaw ko at nagbabakasakali na may makakarinig at sasagot sa panawagan ko. Pero ume-eko lang ang boses ko sa lugar. What the heck?
"Hello? May nakakarinig ba sa akin dito? Paki-usap puntahan niyo ako dito!" Ngayon, hindi na ako naniniwalang nasakuwarto lang ako.
Hindi ko na alam...
Bakit ganito?
Kanina lang ang saya-saya ko pa dahil sa mga naganap. At ngyon...
Asan na ako?
"Luna..." a voice from somewhere, someone I don't know just boomed in the air...
Napalinga ako para hanapin kung sino 'yun since linga lang talaga ang tanging kaya kong gawin dahil sa pagkakagapos ng kadena sa mga paa ko. Thank goodness, pinagbukod naman nila ang kaliwa at kanang paa ko! Walanghiya! Magwawala talaga ako kapagpinag-isa lang nila.
"S-sino 'yan?" pilit kong pinalalakas ang boses ko, kahit natatakot ako. At sa totoo lang, parang ginigiba ang dibdib ko sa tindi ng kaba na nararamdaman ko.
"Luna..." a voice suddenly speak from I don't know where. Pamilyar ang boses na 'yon at hindi ako puwedeng magkamali.
"U-umalis ka! S-sino ka ba?!" sabi ko na naputol ang sasabihin ko pa sana.
'khat! Khat naririnig mo ba ako? Khat!' tawag ko sa wolf ko. Hindi na ako makapag-isip pa ng tama.
"Hindi ka na dapat nagbalik! Dapat namatay ka na! Hindi ka dapat nagbalik! Gagawin ko ang lahat ng paraan para patayin ka!" bulalas nito.
"Ang buong Alabaya, at ang pamumuno ay mapapasaakin!! Akin!" napopoot na sigaw nito na sinundan ng nakakapangilabot na Halakhak. Sunud-sunod at hindi humihinto.
Pakiramdam ko'y nanunuot sa bawat himaymay ng ulo ko ang nakaririnding halakhak niya!
'Khat! Parang awa mo na! Sagutin mo ako! Tulungan mo ako!' tawag ko uli sa wolf ko. And still there's no answer. Nasaan ka Kath?
"Hindi mo ako mapapatay Orakulo! Hindi ako papayag na manalo ka! Hindi!" Parang may kung anong lumukob sa akin, at hindi ko namalayan kung paanong na durog ang mga kadena na naka-yakap sa mga paa ko.
Basata na lang, naramdaman ko nang nakatindig na ako... Galit at umaapoy ang paligid. Umaapoy? Saglit kong tinitigan ang sarili kong mga baraso kamay at dalawa kong mga paa na siyang tanging naaabot lang ng mga mata ko.
Ako ay...
Ako ay lumulutang at
Umaapoy! Umaa....
"Ahhhh! Ahhhhh!" I shouted when sharp pain shoots me on my back.
Ang sakit!
Sobrang sakit!!
Ang sakit-sakit!
Naramdaman ko, na ang mga paa kong kanina lang ay naka angat sa lupa, ngayon ay unti-unting lumalapat...
Nang maramdaman kong ganap nang nakatapak ang mga paa ko sa lupa, para namang biglang hinugot ang kaluluwa ko, mula sa katawan ko. Bigla kasing nawala ang Lupa sa inaapakan ko...
Nahuhulog ako...
At natatakot ako! Ang sakit ng likod ko! Ang sakit sakit talaga!
"Kiss! Gising! Kiss! Gumising ka!" is a shouting voice I suddenly heard... Bigla akong napabalikwas ng bangon, pulse racing, heavy breathing and all sweating.
Nanaginip na naman ako...
Inilinga ko ang mga mata ko sa paligid at nakita ko ang nag aalalang mukha ni Rave.
Wala sa sariling sinunggaban ko siya ng yakap na ginantihan naman niya.
Isinubsob ko ang mukha ko sa hubad niyang dibdib at saka nakaramdam ng kapayapaan at kaligtasan.
Matipuno at matatag ang kanyang dibdib, dahil sa lapad nito. Hiyang hiya man ako dahil sa totoo lang, ngayon lang ako yumakap sa lalakeng hubad ay nananaig parin sa akin ang matinding takot. Ang dahilan kanina ng nag-uunahang tibok ng puso ko ay dahil sa takot pero bigalang nagbago, at ngayon, ay dahil na sa lalakeng kayakap ko.
Sa yakap niya lang, naramdaman kong ligtas na ako at panatag...
"Binabangungot ka Kiss..." a niya sa tila nang-aakit na boses. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Ang sarap sa tenga ng boses niya at parang kino-comfort ako nito. I feel the need to cry my heart out. "Ano bang napanaginipan mo?" he said in between the small kisses he's planting on my head. Napahinga ko ng malalim. Ang sarap...
"Si Orakulo, nasapanaginip ko na naman." -- Iyon lang ang sinabi ko at naramdman ko na naman ang paghigpit ng kanyang yakap. "Lagi niyang sinasabi sa akin na papatayin niya ako."
"Huwag mo na siyang isipin pa dahil habang nabubuhay ako, hindi ko hahayaang makalapit sa 'yong muli at masaktan ka," sabi niya. Maniniwala ka sa kanya. At kapagsinabi niya, hindi ka na mag-aalala. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag pero, iyan mismo ang nararamdaman ko.
...
Mayamaya pa, nakaligo na ako. Si Rave naman, sa ibang kuwarto naligo. Pagkatapos ay nagmamadaling nag-ayos ako ng sarili. Nadako ang tingin ko sa leeg ko at nakita doon ang... -kagat? Bigla naman sumagi sa alaala ko ang nakaraang DARANAK. Ito 'yung huling bahagi. Minarkahan niya ako! Sabi ng isang bahagi ng isip ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang lahat ng nababasa ko lang sa Wattpad nuon ay nangyayari ngayon sa totoong buhay!
Sabi niya, magbihis daw ako at hihintayin daw niya ako sa ibaba..
Kaya naman gumayak ako ng maganda. Kung todo porma ang ginawa ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, hindi ako puwedeng magpakita sa kanya na hindi ako maganda.
Nang makita ko sa salamin ang reflection ko, sa suot kong baby pink Baloon dress na above the knee ang length, malalim ang neck line, mahaba ang manggas at fitted, na itinupi ko lang ng maayos pa itaas ay mukhang okay na. Nagpulbos lang ako at koning lip-gloss na apple-red. Kulay pink na pumps na lang ang tinerno ko since, wala naman akong alam sa fassion. Isa pa, nasasalawahan na ako sa dami ng mga damit at sapatos na tinambak nila sa dresser ko. Ikaw na ang maging asawa ng hari. 'Yung buhok ko? Hinayaan ko lang na nakalugay. Simula nang tumubo ulit ito, hindi na bumalik sa dating kulot at sabog. Ngayon, baksak na baksak na ito at nangingintab sa itim pa ang kulay.
"Ayan na ang Reyna mo Alpha! Ang ganda!" mapang-asar na sabi ni Ivo sabay turo sa akin na kasalukuyang bumababa ng hagdan.
"Shot up Faggot!" Rave glaring to Ivo. Napangisi naman ako sa kanila. Para silang mga bata. Specialy Rave. Knowing that he is the Alpha king, parang batang nang-aaway ng kalaro niya. Hindi kagaya no'ng unang araw ko dito. Ang suplado niya talaga. Seeing this side of him, pakiramdam ko mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya...
....
HGBJ.
BINABASA MO ANG
█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ ®™ I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING @All Rights Reserved 2014
Werewolf@All Rights Reserved 2014 Paano kung bukas paggising mo, nasa ibang mundo ka na? Isang mundong hindi mo kinagisnan at hindi mo kailan man naisip na nag-e-exist pala. At ang twist pa, ang pinaniniwalaan mo buong buhay mo na isa kang tao, ay isa naman...